"Ang Iba Pang Anim" na Serye ng mga DebosyonalHalimbawa

Pagbabasa ng Biblia // Kabanata 1: Paano ito Nakarating sa Atin
Ang Biblia ay hindi lamang isang aklat na binabasa natin upang maging maganda ang pakiramdam natin o kaya naman ay para matulungan tayo paminsan-minsan. Dito sa Mga Awit, at sa kabuuan ng Mga Awit, ipinapaliwanag ng mga sumulat kung paano, sa mga taong may karunungan, ang salita ng Diyos ay napakahalaga – higit pa sa pilak o ginto man. Ito ay buhay at kamatayan; ang tanging bagay na kailangan natin upang manatiling buhay. Subalit ilang beses na natin itong isinaisangtabi, marahil ay dahil napakadali nitong makamit. Lubhang kataka-taka na ang Biblia ang pinakamabiling aklat at pinakamaraming nagmamay-ari nito, subalit ito rin marahil ang pinakamadalang gamiting aklat.
Sa ibang pananalita, hindi sapat na nagmamay-ari ka ng Biblia o kung ito man ay nababasa mo - nagsisimula itong magkaroon ng kapangyarihan sa buhay mo kapag nagpasya kang gamitin ito sa buhay mo, kahit na sa mahihirap na bahagi nito. Kaya mo bang gumawa nang matindi at sumunod sa Salita ng Diyos kahit na ang magiging bunga nito ay ang pagbabago ng iyong pag-iisip at pagkilos? Nagsisimula ang lahat ng ito sa pagbabasa ng Kanyang Salita, subalit hindi ito natatapos doon.
Mga Praktikal na Hakbang: Magpatuloy ka, kung ito man ay sa pamamagitan ng debosyonal na ito, o anumang babasahin sa labas kung saan magagamit mo ang Biblia bilang iyong gabay – marahil ay sa pamamagitan ng pagbabasa ng isang kabanata ng Biblia sa bawat araw bilang panimula. Pagkatapos ay gamitin mo ang mga nabasa mo sa iyong pang-araw-araw na buhay.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang pang-40 araw na babasahing ito ay dinisenyo upang turuan at gabayan ang mga Cristiano kung paano sumunod kay Jesus hindi lamang kapag Linggo, ngunit sa 'Iba Pang Anim na Araw' ng linggo.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Ang Pagbangon ng Kaligtasan

Isang Biblikal na Pananaw ukol sa Panlipunang Pagbabago

Praying for your Elephant - Pagdarasal nang May Lakas ng Loob

Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman

Ang Boteng Alabastro

Mahalaga ang Pamilya Muna

Ang Kaluwalhatian ng Hari

Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos

Ang Mamahinga: Isang Kautusan ng Diyos
