"Ang Iba Pang Anim" na Serye ng mga DebosyonalHalimbawa

Pagbabasa ng Biblia // Kabanata 1: Paano ito Nakarating sa Atin
Ang unang bahagi ng talatang ito ay sumusunod sa tema ng unang linggong ito ng mga talata: Ang salita ng Diyos ay maaasahan dahil ito ay galing sa Kanya. Isang bagay na kailangang tandaan ay ang huling parirala sa dulo. Ipinaliwanag ni Pablo na ang salita ng Diyos ay gumagawa doon sa mga mananampalataya – ito ay magandang pansariling pagtutuos para sa ating mga Kristiano. Kung tunay tayong naniniwala sa Dios, kumikilos ba ang Kanyang mga salita sa atin? Sa madaling salita, ginagawa ba natin ang mga bagay na sinasabi Niya na mabuti para sa atin at iniiwasan ba nating gawin ang mga bagay na sinasabi Niyang ikasasama natin?
Kung titingnan natin nang buong katapatan ang ating mga buhay at tunay na ang mga desisyon natin ay base sa kung ano ang nararamdaman natin, hindi base sa Salita ng Diyos, hindi tayo nabubuhay ng may pagsunod. Ang pagsunod kay Jesus ay nangangailangan ng lahat-lahat - pumapayag ka bang sumunod sa Diyos kahit nagiging mahirap na ito?
Mga Praktikal na Hakbang: Ulitin ang pangungusap na ito bago mo umpisahan ang iyong araw: “Sa araw na ito, sa bawat kilos, isip, at motibo, papupurihan Kita.” Pagkatapos, suriin ang lahat ng kilos, isip at motibo base sa ganitong pamantayan: “Nagbibigay papuri ba ito sa Diyos?”
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang pang-40 araw na babasahing ito ay dinisenyo upang turuan at gabayan ang mga Cristiano kung paano sumunod kay Jesus hindi lamang kapag Linggo, ngunit sa 'Iba Pang Anim na Araw' ng linggo.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Ang Pagbangon ng Kaligtasan

Isang Biblikal na Pananaw ukol sa Panlipunang Pagbabago

Praying for your Elephant - Pagdarasal nang May Lakas ng Loob

Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman

Ang Boteng Alabastro

Mahalaga ang Pamilya Muna

Ang Kaluwalhatian ng Hari

Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos

Ang Mamahinga: Isang Kautusan ng Diyos
