Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Eliseo: Kuwento ng Isang Katawa-tawang PananampalatayaHalimbawa

Elisha: A Tale Of Ridiculous Faith

ARAW 8 NG 13

Sa 2 Mga Hari kabanata 5 nabasa natin ang tungkol sa isang pinuno ng hukbo na nagngangalang Naaman na may sakit na ketong. Nalaman nya mula sa bihag na dalagitang Israelita ang tungkol kay Eliseo na maaring makapagpagaling sa kanya kaya pumunta siya dala ang mga handog. Nang magkita na sina Naaman at Eliseo, inakala niyang ikukumpas lamang ni Eliseo ang mga kamay para pagalingin siya. Sa halip, may inutos si Eliseo na sa tingin ni Naaman ay kakutya-kutya, ang lumubog ng pitong beses sa Jordan. Sa una'y hindi sumunod si Naaman sa utos ni Eliseo subalit nahimok siya ng mga tauhan. Nang sundin niya ang sabi ni Eliseo, gumaling nga si Naaman. Napaka-pangkaraniwan ang reaksyon ni Naaman.



Marahil minsan ay kinauugnay ka ng Diyos na gumawa ng isang bagay na mukhang nakakatawa o kakaiba sa panahong iyon. Marahil ay hiniling mo sa Diyos na gumawa ng bagay sa buhay mo gaya ni Naaman, subalit hindi ito ayon sa iniisip at inaasahan mo at hindi ka sang-ayon na magpakumbaba para magpasakop sa pamamaraan ng Diyos. Kapag humiling tayo sa Diyos hindi tayo dapat magkaroon ng ekspektasyon kung paano at kailan Niya dapat gawin ito. Hindi tayo mas magaling sa Diyos at kailangang buong tiwala tayong sumampalataya sa Kanya na gagawa Siya sa tamang oras at paraan. Hindi tayo ang masusunod. Ang Diyos ang masusunod at sa Isaias 55:8 sinabi na, ang inyong kaparaanan ay hindi ko kaparaanan. Anong mga hakbang ang maari mong gawin upang lubusang magpakumbaba sa Diyos at mapagtanto na ang Kanyang kaparaanan ay hindi kagaya ng kaparaanan mo?

Banal na Kasulatan

Araw 7Araw 9

Tungkol sa Gabay na ito

Elisha: A Tale Of Ridiculous Faith

Si Eliseo ay isa sa mga pinaka-nakaaaliw na taong makikita sa Bibliya. Siya ay isang propeta na may hindi pangkaraniwang pananampalataya at may mga himalang tila katawa-tawa. Sa loob ng 13 araw na pagbasa ng gabay na ito...

More

We would like to thank Pastor Craig Groeschel and Life.Church for providing this plan. For more information, please visit: www.Life.Church

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya