Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Fearless: A Six-Week Journey Halimbawa

Fearless: A Six-Week Journey

ARAW 66 NG 88

IKA-LIMANG LINGGO: PAGKATAKOT SA DIYOS

ANG TUBIG NG KANYANG SALITA
Basahin ang Deuteronomio 13:9-13 at ang Mga Awit 25. Anong natutunan mo tungkol sa Diyos mula sa mga bersikulong ito?

LUMAKAD SA KATOTOHANAN
Suriin at pagmuni-munian ang kaisipang ang lahat ng dumarating sa ating buhay, ang bawat sandali, bawat araw, bawat tao, bawat karanasan, bawat pangyayaring "mabuti" o masama" ay pinahintulutan, pinagtibay, pinatotohanan o tinapos ng Diyos. Hilingin mo sa Kanyang tulungan kang makita ito bilang Kanyang paggawa sa iyong buhay, pagbubuo at paghubog sa iyo upang marating mo ang antas ng pagkakalikha Niya sa iyo.

Ang iyong mga araw ay hindi nagkataon lamang. Hindi ka iniwang "nag-iisa" upang pangalagaan ang sarili mo. Hindi mo lamang Siya kasama, binabantayan Ka Niya, iniingatan, at ginagawa kang alagad Niya. Hilingin mo sa Kanyang tulungan kang makalakad sa katotohanang ito. Hilingin mong tulungan ka Niyang makalakad sa katotohanan- sa Kanya!

ITUON MO ANG MGA MATA NG IYONG PUSO
Tahimik na bigkasin ang pinagtutuunang bersikulo sa araw na ito. Itago mo ito sa iyong puso, pagnilayan, at gawing panalangin sa buong araw.

Mga Taga-Galacia 2:20
Hindi na ako ang nabubuhay ngayon kundi si Cristo na ang nabubuhay sa akin. At habang ako ay nabubuhay pa sa katawang-lupa, Mamumuhay ako sa pananalig sa Anak ng Diyos na umibig sa akin at naghandog ng Kanyang buhay para sa akin.
Araw 65Araw 67

Tungkol sa Gabay na ito

Fearless: A Six-Week Journey

Learn how to move beyond the fear that overwhelms you and holds you back in your faith and enjoy a whole new life of freedom, fearlessness, and effectiveness in your life and witness! Ideal for busy moms, single women, and college students.

More

We would like to thank Thistlebend Ministries and author Laurie Aker for providing this plan. For more information, please visit: www.thistlebendcottage.org