Isinulat ni Moises ang mga utos at ibinigay ito sa mga paring tagadala ng Kaban ng Tipan, at sa matatandang namumuno sa bayan. Sinabi niya, “Sa Pista ng mga Tolda tuwing katapusan ng ikapitong taon na siyang taon ng pagpapatawad ng utang, basahin ninyo ang kautusang ito sa harap ng buong Israel sa lugar na pipiliin ni Yahweh upang doo'y sambahin siya. Tipunin ninyong lahat ang mga lalaki, babae, bata, pati ang mga dayuhang kasama ninyo upang marinig nila ang kautusang ito. Sa ganoon, matututo silang matakot sa Diyos ninyong si Yahweh at sumunod sa kanyang mga utos. Pati ang inyong mga anak na hindi pa nakaaalam nito ay magkakaroon ng takot kay Yahweh habang sila'y nabubuhay sa lupaing titirhan ninyo sa ibayo ng Jordan.”
Basahin Deuteronomio 31
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Deuteronomio 31:9-13
20 Araw
Binubuod ng Deuteronomio ang mabuting batas ng Diyos at itinuturo na ang pagsunod ay ating tugon sa kanyang pag-ibig. Araw-araw na paglalakbay sa Deuteronomio habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas