Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Walang Takot: Anim na Linggong Paglalakbay Halimbawa

Fearless: A Six-Week Journey

ARAW 1 NG 88

PANIMULA

Ihanda ang iyong puso para sa anim na linggong paglalakbay nang walang pagkatakot! Sabi ni Jesus, "Huwag kayong matakot. Ako ito! Lakasan ninyo ang inyong loob!” (Marcos 6:50) Hindi lamang ito pagbubulay sa Biblia, kundi ito ay mga subok nang pamamaraan ng pamumuhay sa katotohanan!



Ang ating paglalakbay ay may kasamang:

1-2 ARAW: Panimula

3-42 ARAW: Pagkatakot patungo sa Walang Takot



1. Ang bahaging ito ay nahahati sa lingguhang (7 araw bawat isa) kabanata, bawat linggo ay may tiyak na tema na siyang magiging pambungad bawat araw. Ang bawat ika-anim at ika-pitong araw ay magiging panahon para sa pagrerepaso at pagninilay tungkol sa tema at taludtod para sa linggong iyon.

2. May ipapabasa sa iyong taludtod mula sa Biblia sa AGOS NG KANYANG SALITA.

3. Pagkatapos ay matutunan mong gamitin at isipin sa pamamagitan ng taludtod ang LUMAKAD SA KATOTOHANAN.

4. Magtatapos ang araw sa PAGTUTUON MO NG MGA MATA NG IYONG PUSO, upang maisaulo at mapagnilayan mo ang Salita para sa buong linggo.



Basahin ang mga sumusunod na mga talata at isapuso at isaisip ito sa kabuuan ng pag-aaral na ito.

1 Juan 4:18

Isaias 54:4

Isaias 62:4-5

Isaias 61:10



Simulan ang araw mo kasama ang Panginoon at hilinging tulungan kang sumamba ng iyong buong puso, kaluluwa, isip, at lakas. (Maaari mong awitin ang "In Christ Alone" ni Stuart Townend and Keith Getty. Mahahanap ito sa iTunes o YouTube.) Dalangin ko na ang oras na itong kasama mo ang Diyos ay maging espesyal na biyaya sa iyo.



Pagkatapos ng oras ng pagsamba mo, manalangin kang may pagpupuri at pagpapasalamat. Pagkatapos ay ihayag mo ang iyong kasalanan at humingi ng kapatawaran. Magtapos sa panalangin na humihingi sa Diyos na buksan ang iyong puso at tanggapin ang katotohanang gusto Niyang ipagkaloob sa iyo sa loob ng anim na linggo. Sana ay magkaroon ka ng panibagong pundasyon ng katapatan at lakas ng loob para mapalitan ang anumang takot at pangamba. Huwag kang matakot na hilingin sa Kanya na tulungan kang marinig ang boses Niya, tulungan kang makita Siya, at bigyan ka ng biyaya na kakailanganin mo para sa pagsunod mo sa Kanya.



Manabik! May panibagong bagay na gagawin ang Panginoon! Nawa ay mapuspos nang labis ang puso mo ng buong kapuspusan ng Diyos.

Maliban na lang kung naisulat, ang mga talatang mula sa Biblia ay kinuha sa The Holy Bible, English Standard Version™. Copyright © 2001 by Crossway Bibles, a division of Good New Publishers. All rights reserved.

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Fearless: A Six-Week Journey

Matutunan kung paano malampasan ang takot na nangingibabaw sa iyo at nagpapahina sa iyong pananampalataya at magsaya sa bagong pamumuhay nang may kalayaan, katapangan, at kahusayan sa buhay mo at sa iyong patotoo. Tamang...

More

Nais naming pasalamatan ang Thistlebend Ministries at ang manunulat na si Laurie Aker sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://www.thistlebend.org/lookingahead/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya