Walang Takot: Anim na Linggong Paglalakbay Halimbawa

IKA-LIMANG LINGGO: PAGKATAKOT SA DIYOS
ANG TUBIG NG KANYANG SALITA
Basahin at pagnilayan ang Isaias 40:9-10; Isaias 41:13-14; Isaias 43:1,5; Isaias 44:2, 8; Isaias 51:7; Isaias 54:4.
MAGNILAY
Ang buhay ay hindi madali, ngunit ang buhay na ito ay hindi ang lahat sa atin. Kailangan nating ipamuhay ang buhay na ito sa pamamagitan ng buhay na siyang dahilan kung bakit tayo nilikha. Tayo ay mabubuhay magpakailanman. Marapat sa atin ang poot ng Diyos at ang kamatayan. Marapat sa atin ang pagpapalayas at ang kaparusahan. Marapat sa atin ang impiyerno at ang pagdurusa. Ngunit anong ibinigay sa atin ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo? Anong habag at biyaya ang ibinuhos? Anong buhay, kung ganoon, ang nais nating ipamuhay? Isang buhay na tungkol lamang sa sarili, kung anong kanyang iniisip, kung anong kanyang ninanais, at kung anong kanyang mga hangarin? O isang buhay na patungkol lahat sa Diyos, kung anong Kanyang iniisip, kung anong Kanyang ninanais, at kung anong Kanyang mga hangarin? Ang Kanyang kaparaanan ay hindi natin kaparaanan, at kailangan nating lubusang talikuran ang ating kaparaanan upang maipamuhay natin ang Kanyang kaparaanan. Tanging Siya lamang ang makagagawa nito sa ating mga puso. Hihilingin mo bang gawin Niya ito? Hihilingin mo ba sa Kanyang maghari Siya sa iyong puso, sa iyong isip, at sa iyong buhay? Mamumuhay ka ba para sa Kanyang kaharian, ipapahayag mo ba ang Kanyang kaharian, handa ka bang ibigay ang buhay mo para sa Kanyang kaharian?
ITUON MO ANG MGA MATA NG IYONG PUSO
Pagnilayan nang may pananalangin at subukang bigkasin ang Mga Taga-Galacia 2:20.
Mga Taga-Galacia 2:20
Hindi na ako ang nabubuhay ngayon kundi si Cristo na ang nabubuhay sa akin. At habang ako ay nabubuhay pa sa katawang-lupa, Mamumuhay ako sa pananalig sa Anak ng Diyos na umibig sa akin at naghandog ng Kanyang buhay para sa akin.

Tungkol sa Gabay na ito

Matutunan kung paano malampasan ang takot na nangingibabaw sa iyo at nagpapahina sa iyong pananampalataya at magsaya sa bagong pamumuhay nang may kalayaan, katapangan, at kahusayan sa buhay mo at sa iyong patotoo. Tamang-tama para sa mga abalang ina, dalaga, at estudyante sa kolehiyo. Isang debosyonal mula sa Thistleband Ministries.
More
We would like to thank Thistlebend Ministries and author Laurie Aker for providing this plan. For more information, please visit: www.thistlebendcottage.org
Mga Kaugnay na Gabay

Praying for your Elephant - Pagdarasal nang May Lakas ng Loob

"Ang Iba Pang Anim" na Serye ng mga Debosyonal

Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman

Ang Pagbangon ng Kaligtasan

Eliseo: Kuwento ng Isang Katawa-tawang Pananampalataya

Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos

Pakikinig sa Diyos

Prayer

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos