Paghahanda sa Ating mga Puso para sa Pasko ng Pagkabuhay: Isang Debosyonal para sa KuwaresmaHalimbawa

"Ika-11 Araw: Ang anak na Lalaki"
Ang Kuwaresma ay panahon ng pagsisisi at pagpapakumbaba. Ito ay panahon kung saan tayo ay tinatawag upang isaalang-alang ang ating mga kasalanan at kahinaan sa liwanag ng kaningningan at pagiging ganap ng Diyos na ating Hari. Ang Mga Awit 2 ay isa sa "Mga Awit na Patungkol sa Maharlika," at ibinabaling nito ang atensyon sa pagiging hari ng Diyos. Ang Mga Awit na ito ay nagsisimula sa isang katanungan na sinasagot din niya mismo, ang paghihimagsik at ang pagtatapon ng pamatok na nagpapakita ng pagnanais ng mga bansa at mga haring nagsasabwatan laban sa tunay na Hari. Ang reaksyong "Siya na nakaupo sa kalangitan" ay ang mapanlibak na halakhak, kung saan napagtutuunan ng pansin ang pangungutya ng isang hindi kayang kutyain.
Ang reaksyon ay hindi lamang panunudyo, kundi pagkilos. Tinutukoy ng Panginoon ang kanyang Anak, ang tunay at totoong hari, na darating at gagawin ang lahat ng inaasahan noong una pa lang mula kay David at sa buong lahi niya. Ang lahat ay sa kanya at ang kanyang paghahari sa lahat ng mga bulaang hari at bansa ay nagpapakilala ng saloobin ng mga naghihimagsik na hindi lamang kahangalan, kundi panganib. Sa isang nakayayanig, mapanuya at matulaing pagsasalarawan, dudurugin ng "magpapalayok" (Isaias 45:9) ang kanilang mga buhay tulad ng basag na palayok, na nayayapak-yapakan at sa kalaunan ay nawawalang kabuluhan — basura sa lupa.
Habang ang kabanatang ito ng Mga Awit ay mahinahon sa kanyang paghatol, nagbibigay din ito ng matinding pag-asa. Nagtuturo ito sa tunay na banal na Anak na naparito upang siyang maging kahuli-hulihan at ang tanging tunay na matuwid na hari, na siyang sumunod sa kanyang Ama nang buong kaganapan at winasak ang pamatok ng kasalanan upang tayo'y palayain. Dahil tinupad ni Cristo ang kanyang layunin dito sa mundo, maaari niyang sabihin ng may katiyakan: "Ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa ay ibinigay sa akin" (Mateo 28:18). Siya ang tinatawag sa Banal na Kasulatan na "ang kaliwanagan ng kaluwalhatian ng Diyos at ang ganap na tatak ng kanyang katangian, at pinagtitibay niya ang sansinukob sa pamamagitan ng kapangyarihan ng kanyang salita." (Hebreo 1:3).
Panalangin
Aming Hari at Ama, kung saan naroon ka, naroon din ang kaharian at ang kaganapan. Salamat sa pagbibigay mo sa amin ng iyong Anak, na naglalarawan ng iyong kaluwalhatian at namamagitan para sa amin, nagtatanggol sa amin, at ipinapadala sa amin ang Banal na Espiritu upang kami'y akayin sa buong katotohanan. Sa pangalan ni Cristo, Amen.
Karapatang maglathala (c) 2012 ng Redeemer Presbyterian Church.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ano ba ang Mahal na Araw o Kuwaresma? Ito ang panahon kung saan ating inaabangan ang pagtatagumpay ng liwanag at buhay ni Cristo laban sa kasalanan at kamatayan. Sa ating paglalakbay mula Miyerkules ng Abo hanggang sa Pasko ng Pagkabuhay, ipinaaalala sa atin ang katotohanan ng ating kahinaan at ang biyaya ng kaligtasan na nagmumula sa Diyos.
More
Ang debosyonal na ito ay nilikha ng mga kawani ng Redeemer Presbyterian Church at unang inilathala sa www.redeemer.com noong 2012. Ginamit nang may pahintulot.
Mga Kaugnay na Gabay

Adbiyento: Ang Paglalakbay Tungo sa Pasko

Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman

Ang Lahat ay Mapayapa: Pagtanggap sa Kapahingahan ni Jesus Ngayong Kapaskuhan

Bagong Taon, Mga Bagong Awa

Mas Mahusay Kapag Sama-sama

Paglalakbay Tungo sa Sabsaban

Krus at Korona

Pakikinig sa Diyos
