Paghahanda sa Ating mga Puso para sa Pasko ng Pagkabuhay: Isang Debosyonal para sa KuwaresmaHalimbawa

"Ika-12 Araw: Ang Bato"
Sa talinhaga tungkol sa mga nangungupahan, pinaupahan ng may-ari ng isang ubasan sa ibang tao at siya'y naglakbay. Habang siya'y nasa malayong lugar, sinugo niya ang kanyang mga alipin upang singilin ang kanyang kabahagi sa bunga ng lupa, subalit binugbog ng mga nangungupahan ang kanyang mga alipin at pagkatapos ay pinatay sila. Sa wakas ay isinugo niya ang kanayang anak na lalaki upang singilin ang bungang para sa kanya, sapagkat inisip niya, "Igagalang nila ang aking anak" (Marcos 12:6). Subalit nagkamali siya. Maging ang kanyang anak ay kanilang pinatay.
Ipinaliwanag ni Jesus ang ibig sabihin ng talinhaga sa pamamagitan ng pagbasa sa sipi ng Salmo 118: "Hindi ba ninyo nabasa ang sinasabi sa Banal na Kasulatan: 'Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ng bahay ang siyang naging batong-panulukan. Ito'y ginawa ng Panginoon, at kahanga-hangang pagmasdan'?" (Marcos 12:10-11, cf. Mateo 21:42) Sa ibang salita, ang Diyos ang may-ari ng ubasan. Ang mga nangungupahan ay ang bayan ng Diyos. Dapat sana'y ibibigay nila ang bunga ng kanilang mga buhay sa kanya sa pamamagitan ng pagsamba at ng pagsunod. Subalit tinanggihan nila ang kanyang mga propeta at mga isinugo. Sa wakas ay sinugo niya ang Kanyang Anak. Subalit tinanggihan din siya ng mga ito. Sa kanilang pagrerebelde, hindi nila igagalang o pararangalan man lang ang Anak ng Diyos. Sa halip, Siya ay pinatay nila.
Ngunit si Jesus ay hindi natangay ng silakbo ng mga taong galit at hindi mapigilan. Ang pagtutol sa kanya ay ayon sa tunay na binabalak ng Diyos - ito'y gawa ng Panginoon." Ito'y "kahanga-hanga sa ating mga mata" sapagkat ang kamatayan ni Cristo ay pagkatalo ng kamatayan mismo. Nagbubunyi tayo sapagkat kinuha ng Diyos si Jesus mula sa libingan at ginawa siyang pundasyon ng kaligtasan para sa lahat ng naniniwala. Kung ganoon, sa Kanya tayo'y mabubuhay at hindi na mamamatay. (Juan 11:25-27).
Panalangin
Panginoon, ang lahat ng bagay ay ginagawa mo ayon sa iyong mabuting kalooban. Bagama't ang kamatayan ni Cristo sy tila isang pagkatalo, itinaguyod mo siya sa pamamagitan ng pagbuhay sa kanya mula sa kamatayan. Kung ganoon, sa Kanya tayo ay aawit, "Hindi tayo mamamatay, kundi tayo'y mabubuhay." (Salmo 118:17) Siya ang ating kaligtasan. Ito'y kamangha-mangha sa ating mga paningin. Sa pangalan ni Cristo, Amen.
Karapatang makapaglathala (c) 2012 ng Redeemer Presbyterian Church.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ano ba ang Mahal na Araw o Kuwaresma? Ito ang panahon kung saan ating inaabangan ang pagtatagumpay ng liwanag at buhay ni Cristo laban sa kasalanan at kamatayan. Sa ating paglalakbay mula Miyerkules ng Abo hanggang sa Pasko ng Pagkabuhay, ipinaaalala sa atin ang katotohanan ng ating kahinaan at ang biyaya ng kaligtasan na nagmumula sa Diyos.
More
Ang debosyonal na ito ay nilikha ng mga kawani ng Redeemer Presbyterian Church at unang inilathala sa www.redeemer.com noong 2012. Ginamit nang may pahintulot.
Mga Kaugnay na Gabay

Adbiyento: Ang Paglalakbay Tungo sa Pasko

Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman

Ang Lahat ay Mapayapa: Pagtanggap sa Kapahingahan ni Jesus Ngayong Kapaskuhan

Bagong Taon, Mga Bagong Awa

Mas Mahusay Kapag Sama-sama

Paglalakbay Tungo sa Sabsaban

Krus at Korona

Pakikinig sa Diyos
