Paghahanda sa Ating mga Puso para sa Pasko ng Pagkabuhay: Isang Debosyonal para sa KuwaresmaHalimbawa

"Ika-14 na Araw: Ang Panawagan"
Sa isang mundong wasak na, ang salmista ay nananawagan sa Diyos upang harapin ang mga nagpaparatang sa kanya. Ang kaisipan ng ganitong kahilingan ("Manamit nawa ng kasiraang puri ang mga nagpaparatang sa akin") ay maaaring nakakabalisa para sa iba sa ating hindi lantad sa pagkawalang-katarungan ng digmaan, genocide at sex trafficking na tulad ng ibang tao sa mundong ito. Subalit, sa isang panahon ay pinili nating bayaran ng kasamaan ang kasamaan. Ngunit sa halip na tugunin niya mismo ang kawalang katarungan, dinala ng salmistang ito ang kawalang katarungan sa Diyos at nanawagan sa Kanyang gumawa para sa kanyang kapakanan. Pinili niyang hayaan ang isang makatarungan at banal na Diyos na harapin ang mga nagkasala sa kanya sa halip na siya mismo ang gumanti.
Kung ang Diyos ay mapagpatawad lamang ngunit hindi makatarungan, wala tayong mapupuntahan kapag may nagkasala sa atin. Ngunit ang kabanalan ng Diyos ay hindi kayang pabayaan ang kawalang katarungan. Sa simula ay maaaaring nakalulugod itong marinig, tayo ay hindi rin makatarungan, kaya't kung wala rin lamang panlunas para sa atin, hahatulan din tayo sa ng parehong kahatulan na ibibigay sa mga taong nang-aapi sa atin. Ang tanging dahilan na ang salmista (o tayo) ay makakapanawagan sa Diyos ay sapagkat nagsalita na si Cristo alang-alang sa atin. Nang si Cristo ay naghumiyaw sa Diyos mula sa krus, Siya'y tinanggihan at kinasuklaman sapagkat kinuha Niya ang lugar na para sa makasalanang sangkatauhan. Maaari tayo ngayong manawagan sa Diyos sapagkat tinitingnan tayo ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo na walang kasalanan na nagsalita alang-alang sa atin.
Panalangin
Diyos na aming Ama, pinupuri ka namin dahil sa pagpapadala mo kay Cristo upang takpan ang aming mga di-makatarungang pagkilos upang magkaroon kami ng ugnayan sa Iyo, na walang bahid ang kabanalan. Pinasasalamatan ka namin dahil pinakikinggan mo ang aming mga panawagan kapag may nagkasala sa amin at kami'y iyong pakikinggan sa iyong habag at awa. Tulungan mo kaming dalhin namin ang mga panawagan namin sa Iyo sa halip na kami ang gumanti kapag may nagkasala sa amin. Sa pangalan ni Cristo, Amen.
Karapatang maglathala (c) 2012 ng Redeemer Presbyterian Church.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ano ba ang Mahal na Araw o Kuwaresma? Ito ang panahon kung saan ating inaabangan ang pagtatagumpay ng liwanag at buhay ni Cristo laban sa kasalanan at kamatayan. Sa ating paglalakbay mula Miyerkules ng Abo hanggang sa Pasko ng Pagkabuhay, ipinaaalala sa atin ang katotohanan ng ating kahinaan at ang biyaya ng kaligtasan na nagmumula sa Diyos.
More
Ang debosyonal na ito ay nilikha ng mga kawani ng Redeemer Presbyterian Church at unang inilathala sa www.redeemer.com noong 2012. Ginamit nang may pahintulot.
Mga Kaugnay na Gabay

Adbiyento: Ang Paglalakbay Tungo sa Pasko

Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman

Ang Lahat ay Mapayapa: Pagtanggap sa Kapahingahan ni Jesus Ngayong Kapaskuhan

Bagong Taon, Mga Bagong Awa

Mas Mahusay Kapag Sama-sama

Paglalakbay Tungo sa Sabsaban

Krus at Korona

Pakikinig sa Diyos
