Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paghahanda sa Ating mga Puso para sa Pasko ng Pagkabuhay: Isang Debosyonal para sa KuwaresmaHalimbawa

Preparing Our Hearts for Easter: A Lenten Devotional

ARAW 18 NG 40

"Ika-18 Araw: Ang Hinirang na Lingkod" Sa mga naunang kabanata, ang Diyos, sa pamamagitan ng propetang si Isaias, ay bumubuo ng isang kaso; Sinasabi Niya na bagaman sumusunod tayo sa mga huwad na diyus-diyusan, patuloy nila tayong nililinlang, inaalipin at sa huli ay binibigo. Sa taludtod na ito, ang hinirang na "lingkod" ng Diyos ay tinawag upang magdala ng katarungan at palayain ang mga nakagapos sa "piitan" (v.7) Ito ang aral para sa Israel at nananatiling aral para sa atin sa kasalukuyan. Ang kalikasan ng pagsamba sa mga diyus-diyusan ay yaong tayo'y sumasamba at naglilingkod sa mga hindi karapat-dapat dito. Gayunpaman, sa kaibuturan ng mensaheng Cristiano, ay ang katotohanang si JesuCristo ang "Nag-iisang Hinirang," na Siyang karapat-dapat na sambahin, ay naunang maglingkod sa atin. Paano natin malalaman ang kaluguran ng Diyos sa paraang magsisimula na nating palitan ang mga diyus-diyusan sa buhay natin ng tunay na pagsamba? Sa mga talatang 1-4, tinuruan tayong "Pagmasdan" Siya na "kinalulugdan" ng Diyos. Ang kahulugan ng pagmasdan ay tingnan at gayundin, kilalanin. Tinatawag ni Isaias ang Israel na tingnan at kilalanin ang Panginoon sa pamamagitan ng Kanyang lingkod; at itinataguyod ng Kanyang Espiritu. Sa pagmamasid sa lingkod na ito, malinaw nating nakikita ang pagkakaiba ng totoo sa huwad, isang "larawang yari sa metal" na puno ng "hungkag na hangin" (Isaias 41) sa isang lingkod na puspos ng Espiritu at naparito sa laman (Juan 1). Ang lingkod na ito, na noon pa man ay minamasdan na tayo sa malayo, ay batid na tayo'y sugatan at nasa bingit ng kawalang pag-asa at Kanyang tatapusin ang gawain nang may kahinahunan ng isang kaibigan (v. 3). Pagmasdan ang kaluguran ng Anak na natagpuang naglilingkod sa Ama kahit hanggang kamatayan, para sa iyo. At pagkatapos, magkaroon ng "kaluguran" kay Jesus at maging malaya. Panalangin Aking Ama, sa Anak, at sa Banal na Espiritu, pinupuri namin na ang kabuuan ng pagka-Diyos ay gumagawa dito at buong -buong nakikita sa taludtod na ito upang dalhin ang katapusan sa pagsamba sa diyus-diyusan at sa pagdurusang kaakibat nito. Pinasasalamatan Ka namin dahil sa salita mo na maaari naming pagmasdan at pag-isipan kung paano ka nakikipagtipan sa iyong bayan. Nalulugod kami sa Iyo sa pagpapadala mo sa Iyong tagapag-lingkod na hari, si JesuCristo, na tunay ngang "pinalaya ang mga bihag" (Lucas 4:18). Sa Pangalan ni Cristo, Amen. Karapatang ilathala (c) 2012 ng Redeemer Presbyterian Church.

Tungkol sa Gabay na ito

Preparing Our Hearts for Easter: A Lenten Devotional

Ano ba ang Mahal na Araw o Kuwaresma? Ito ang panahon kung saan ating inaabangan ang pagtatagumpay ng liwanag at buhay ni Cristo laban sa kasalanan at kamatayan. Sa ating paglalakbay mula Miyerkules ng Abo hanggang sa Pasko ng Pagkabuhay, ipinaaalala sa atin ang katotohanan ng ating kahinaan at ang biyaya ng kaligtasan na nagmumula sa Diyos.

More

Ang debosyonal na ito ay nilikha ng mga kawani ng Redeemer Presbyterian Church at unang inilathala sa www.redeemer.com noong 2012. Ginamit nang may pahintulot.