Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paghahanda sa Ating mga Puso para sa Pasko ng Pagkabuhay: Isang Debosyonal para sa KuwaresmaHalimbawa

Preparing Our Hearts for Easter: A Lenten Devotional

ARAW 19 NG 40

"Ika-19 na Araw: Ang Lingkod na Israel" Paano natin nalalaman na mabuti na Diyos? Nagsisimula ang Isaias 49 bilang isang sulat na ipinadala sa lahat ng bansa (v.1, "sa mga baybayin...at sa mga taong mula sa malalayong bayan"), ngunit ito ay binabasa at naririnig ng bayan ng Israel. Samakatwid, ang sumulat nito ay nagsasalita talaga sa lahat. Ang mga Hudyo ay ipinatapon at nagnanasang makabalik at nag-iisip sila kung saan manggagaling ang kaligtasang iyon. Gumawa ng kamangha-manghang pag-angkin si Isaias na "ang lingkod" (v. 3), na inihanda para sa panahong ito, ay siyang magbabalik sa mga tao, ngunit ang paraan ay hindi sa pamamagitan ng lakas pangmilitar, kundi sa pamamagitan ng kapangyarihan ng kanyang bibig (v. 2). Kaya naman, ang kanyang sinasabi at ginagawa ay magdadala ng tunay na kaligtasan, at hindi lamang pisikal na pagpapalaya. Ang kaibahan ay nanggagaling sa katotohanang ang mahiwagang lingkod na ito ay nagngangalang Israel (v.3) — at bagaman siya ay isang tao, siya ang huwarang taong kung saan nakapaloob ang lahat ng katangiang dapat na taglay ng Israel. Para sa tekstong ito, kailangan nating alalahaning ang bansang Israel ay nakatakdang maging pagpapala sa lahat ng bansa (Genesis 12), isang kautusang hindi nila natupad. Sino ang gagawa nito? Ang taong ito ay kailangang walang kapintasan, at iligtas hindi lamang ang mga Hudyo — para tunay ngang maluwalhati ang Diyos (v. 3), kailangang siya ay maging "liwanag sa lahat ng bansa" rin (v.6). Alam natin na mabuti ang Diyos sapagkat nakita Niya ang Kanyang suwail na bayan at ang buong mundo at ibinalik Niya ang mga ito sa kanilang relasyon sa Kanya (v. 5). Paano? Ang pagsasalin natin ay nagsasabi sa v. 6 na, "ang aking kaligtasan ay umabot nawa hanggang sa dulo ng mundo," ngunit ang sinasabi ng balarila ng Hebreo ay mas maliwanag na sinasabing, "maging aking kaligtasan hanggang sa dulo ng mundo." Si Jesus bilang lingkod ay hindi lamang ang paraan para sa kaligtasan ng Diyos kundi Siya ang kaligtasang iyon — sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan at buhay. Panalangin Panginoong Jesus, ang nagpapakasakit na lingkod at Tagapagligtas, ibinalik mo kami sa aming relasyon sa Iyo sa pamamagitan ng pagiging kaligtasan namin, binili mo kami ng Iyong buhay, tinubos mo kami sa tiyak na kamatayan. Bigyan mo kami ng mga pusong laman, na pinag-init ng katotohanan ng iyong kabutihan na natagpuan sa katiyakan ng Iyong pag-ibig sa amin sa pamamagitan ng iyong kamatayan at muling pagkabuhay. Sa pangalan ni Cristo, Amen. Karapatang maglathala (c) 2012 ng Redeemer Presbyterian Church.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Preparing Our Hearts for Easter: A Lenten Devotional

Ano ba ang Mahal na Araw o Kuwaresma? Ito ang panahon kung saan ating inaabangan ang pagtatagumpay ng liwanag at buhay ni Cristo laban sa kasalanan at kamatayan. Sa ating paglalakbay mula Miyerkules ng Abo hanggang sa Pasko ng Pagkabuhay, ipinaaalala sa atin ang katotohanan ng ating kahinaan at ang biyaya ng kaligtasan na nagmumula sa Diyos.

More

Ang debosyonal na ito ay nilikha ng mga kawani ng Redeemer Presbyterian Church at unang inilathala sa www.redeemer.com noong 2012. Ginamit nang may pahintulot.