Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paghahanda sa Ating mga Puso para sa Pasko ng Pagkabuhay: Isang Debosyonal para sa KuwaresmaHalimbawa

Preparing Our Hearts for Easter: A Lenten Devotional

ARAW 22 NG 40

"Ika-22 Araw: Ang mga Katubigan" Sa mga taludtod na ito, ang Banal ng Israel ay sumisigaw sa pamamagitan ni Isaias, nagsusumamo sa Kanyang bayan sa gabi bago ang pagkawasak upang bumalik sa tunay na bukal ng buhay. Ito ay isang mariing pagtawag upang sila ay magsilapit nang walang hadlang sa walang hanggang tubig na buhay. Maliwanag na sinasabi ng taludtod 2 at 3 na ang tubig na ito ay ang salita ng Diyos. Ang paanyaya ay taimtim na uminom; tanggapin ang salita, makipagkatuwiranan dito, malugod dito, makinig dito gaya nang hindi pa nila nagawang makinig dati. Ang literal na ibig sabihin ng "makinig nang mabuti" (v.2) ay "Makinig-makinig!", isang pagtawag para sa nakatutok at napapanatiling atensyon. Sa huli, ang salitang ito ay naghahangad na iligtas sila. (v. 3), baguhin sila (v. 7), at gawin silang isang pagpapala sa buong mundo. (v. 5). Tinatawag sila sa pakikipag-isa sa kanilang mapagmahal na Diyos (v.7). Ngunit tumatanggi silang makinig sa Kanya (6:9). Ang Kuwaresma ay panahon para sa atin upang aminin ang pagkakatulad natin sa ipinakita ng mga tagapakinig ni Isaias. Dahil sa mga kadahilanang pansin man o hindi natin masyadong pansin, madali nating mapabayaan ang mga salita ng Diyos, at sa dulo, ang Diyos mismo. Kung mabibigyan ng sapat na panahon na nakahiwalay sa Banal na Kasulatan, isang uri ng espiritwal na amnesya ang mangyayari, kung saan makakalimutan natin ang natikmang mas matamis pa sa pulot at sa tumutulo sa bahay-pukyutan(Mga Awit 19:10). Ang Kuwaresma ay isang paanyaya na makita si Cristo kung paano Siya nakita ng babae sa balon — ang dalisay at walang hanggang kasiyahan para sa ating mga nauuhaw na kaluluwa. Ito ay isang paanyaya upang bumalik sa balong iyon at taimtim na uminom. Ang sinumang uminom ng tubig na Aking ibibigay ay hindi na kailanman mauuhaw muli. Ang tubig na ibibigay Ko sa kanya ay magiging batis ng tubig na bubukal at magbibigay sa kanya ng buhay na walang hanggan (Juan 4:14). Panalangin Mapagmahal na Panginoon, sa Iyong habag ay tinawag mo kami. Sa pamamagitan ng Iyong awa, buksan Mo ang aming mga tainga upang marinig namin ang Iyong tinig, at sa pagkarinig namin sa Iyo, ay bumalik. Tanggalin mo ang mga kaliskis sa aming mga mata at ilantad Mo sa amin ang kamangha-mangha sa Iyong salita. Ang Iyong kaluwalhatian ay nahahayag dito. Maging kaluguran Ka namin. Ikaw ang maging kasiyahan namin. Gisingin Mo sa amin ang isang bagong pananabik, dahil ang mga taong inilalagay sa Iyo ang kanilang tiwala ay hindi kailanman mapapahiya. Maluwalhating Panginoon, kami ay sa Iyo. Sa Pangalan ni Cristo, Amen. Karapatang maglathala (c) 2012 ng Redeemer Presbyterian Church.

Tungkol sa Gabay na ito

Preparing Our Hearts for Easter: A Lenten Devotional

Ano ba ang Mahal na Araw o Kuwaresma? Ito ang panahon kung saan ating inaabangan ang pagtatagumpay ng liwanag at buhay ni Cristo laban sa kasalanan at kamatayan. Sa ating paglalakbay mula Miyerkules ng Abo hanggang sa Pasko ng Pagkabuhay, ipinaaalala sa atin ang katotohanan ng ating kahinaan at ang biyaya ng kaligtasan na nagmumula sa Diyos.

More

Ang debosyonal na ito ay nilikha ng mga kawani ng Redeemer Presbyterian Church at unang inilathala sa www.redeemer.com noong 2012. Ginamit nang may pahintulot.