Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paghahanda sa Ating mga Puso para sa Pasko ng Pagkabuhay: Isang Debosyonal para sa KuwaresmaHalimbawa

Preparing Our Hearts for Easter: A Lenten Devotional

ARAW 17 NG 40

"Ika-17 Araw: Ang Pangalan" Sa pagpapasinaya ng isang hari sa Israel, ang mga Israelita ay maghahandog ng panalangin na tulad ng sa Mga Awit 72. Ang panalanging ito ay hindi lamang pagkilala sa hari, kundi ito ay nagpapahayag din ng kanilang inaasahan at pamantayan para sa kanilang pinuno. Ang hari ay tinitingnan nila na paraan kung paanong ang mga biyaya ay darating sa mga tao mula sa Diyos at inaasahan nilang pagtitibayin niya ang mga banal na pamantayan ng katarungan at katuwiran. Ang paghahanap ng awa at pagpapalaya mula sa hari para sa mga mahihina ay hindi isang inosente o pangangarap lang, kundi ito'y isang pag-asa na nag-uugat sa pagkatao ng nagpahid sa kanya. Ang Diyos ng Israel ay likas bilang isang tagapagligtas at katulong ng mga walang kakayahan, kaya't ganito rin dapat ang hari. Ang mga panalangin para sa katatagan ng pangalan ng hari ay batay sa hinihintay na pag-asang ito, na tutuparin ng hari ang kanyang pangako sa mga mahihina, kaya't ang mga panalangin para sa kanya ay nangangahulugan ng kaligtasan at kaligayahan para sa lahat. Gayunpaman, simula noon hanggang ngayon, wala pang hari o pinuno na nakatupad sa mga banal na pamantayang ito. Sa kasalukuyan, marami nang nawalan ng pananampalataya sa ating mga pinuno at lahat sila'y hindi na pinagkakatiwalaan, samantalang ang iba naman ay ginugugol ang kanilang buhay at ang kanilang pananalapi sa pagtataguyod ng ganito o ganoong pangalan bilang siyang magliligtas sa atin sa wakas. Bilang mga tagasunod ni Cristo, kaya nating alamin na ibinigay na sa atin ng Diyos ang nag-iisang Siya na kung saan ang mga nangangailangan, ang mga mahihirap at ang mga walang kakayahan ay makatatagpo ng tunay na pagliligtas. Maaari nating malaman na kay Cristo, may hari tayong hindi lamang inaalala ang ating mga pangangailangan at pagdurusa, kundi may kahabagang nakakaugnay din sa kanila. Maaari nating malaman na kay Cristo, ang mga panalangin natin para sa pagsulong ng Kanyang pangalan at kaharian ay nangangahulugan ng kapayapaan at biyaya para sa lahat. Alam mo bang ang Hari ay tunay na nagmamalasakit para sa iyo at sa lahat ng iyong pangangailangan? Tumawag ka na ba sa Kanyang pangalan? Panalangin Makapangyarihang Diyos, pinupuri Ka namin dahil ang Iyong Anak ang hari na tangi naming ninanais at kinakailangan; ang Kanyang kahabagan ay higit na nakalalamang sa anumang aming nakita. Tulungan Mo kaming magtiwala at sumunod sa Iyo bilang aming makatuwirang hari, at nawa ang Iyong pangalan ay mapapurihan magpasa walang hanggan. Sa Pangalan ni Cristo, Amen. Karapatang mailathala (c) 2012 ng Redeemer Presbyterian Church.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Preparing Our Hearts for Easter: A Lenten Devotional

Ano ba ang Mahal na Araw o Kuwaresma? Ito ang panahon kung saan ating inaabangan ang pagtatagumpay ng liwanag at buhay ni Cristo laban sa kasalanan at kamatayan. Sa ating paglalakbay mula Miyerkules ng Abo hanggang sa Pasko ng Pagkabuhay, ipinaaalala sa atin ang katotohanan ng ating kahinaan at ang biyaya ng kaligtasan na nagmumula sa Diyos.

More

Ang debosyonal na ito ay nilikha ng mga kawani ng Redeemer Presbyterian Church at unang inilathala sa www.redeemer.com noong 2012. Ginamit nang may pahintulot.