Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paghahanda sa Ating mga Puso para sa Pasko ng Pagkabuhay: Isang Debosyonal para sa KuwaresmaHalimbawa

Preparing Our Hearts for Easter: A Lenten Devotional

ARAW 20 NG 40

"Ika-20 Araw: Ang Lingkod na Walang Kasalanan" Sa mga taludtod na ito, mapupuna natin ang pagkakaiba sa pagitan ng isang masunuring lingkod ng Panginoon at doon sa mga taong umuusig at nagmamalabis sa kanya. Nakakagulat, ang masunuring lingkod ang siyang tinawag upang magdusa para sa kapakanan ng mga taong matitigas ang ulo – hinampas, dinuraan, at kinutya. Sa kabila nito, "iniayos Niya ang Kanyang mukha nang parang bato" patungo sa daan ng pagdurusa at "hindi Siya malalagay sa kahihiyan." Batid Niyang ang Kanyang pagdurusa ay hindi mapapawalang kabuluhan sapagkat ang Kanyang bayan ay maililigtas. Kinilala ng mga sumulat ng Bagong Tipan na ang lingkod ng Panginoon, na tinutukoy sa taludtod na ito, ay walang iba kundi si JesuCristo. "Itinuon Niya ang Kanyang mukha" sa dakong Jerusalem, kahit batid Niya ang sakit na naghihintay sa Kanya doon (Lukas 9:51). Hinampas Siya, kinutya, at dinuraan (Marcos 15:19-20). Nagdusa Siya, hindi dahil sa kasalanan Niya kundi dahil sa kasalanan natin, at ang buhay Niya ay may tanda ng lubos na pagsunod, maging hanggang kamatayan sa krus (Filipos 2:5-9). Sa lahat ng ito, nanatili si Jesus na lingkod na walang kasalanan (Hebreo 12:2). Paano natagalan ni Jesus ang ganitong pakikitungo at sa kabila nito ay magtiwalang hindi Siya malalagay sa kahihiyan? Ang kasagutan, sa isang salita, ay kagalakan: dahil "sa kaligayahang nakatakda para sa Kanya, tiniis Niya ang krus." Ang kaligayahang nag-udyok kay Jesus ay ang katotohanang dahil sa Kanyang pagdurusa, ang Kanyang bayan ay maililigtas. Maging tayo ay may dakilang kaligayahang nakatakda para sa atin sa kasalukuyan. Walang alinlangang may sakit at pagdurusa sa ating paglalakbay, ngunit dahil sa pagiging kaisa natin kay Cristo sa pamamagitan ng pananampalataya, hindi tayo malalagay sa kahihiyan! Buhatin natin ang ating krus at sumunod tayo kay Cristo, ang lingkod na walang kasalanan. Panalangin Ama namin sa langit, nagpapasalamat kami sa buhay, kamatayan at muling pagkabuhay ni Jesus, ang aming lingkod na walang kasalanan. Nawa ang mabuting balitang ito ay magdala ng kalakasan sa atin itinataguyod natin ang kaligayahan sa gitna ng ating sakit at pagdurusa. Sa Pangalan ni Cristo, Amen. Karapatang makapaglathala (c) 2012 ng Redeemer Presbyterian Church.

Tungkol sa Gabay na ito

Preparing Our Hearts for Easter: A Lenten Devotional

Ano ba ang Mahal na Araw o Kuwaresma? Ito ang panahon kung saan ating inaabangan ang pagtatagumpay ng liwanag at buhay ni Cristo laban sa kasalanan at kamatayan. Sa ating paglalakbay mula Miyerkules ng Abo hanggang sa Pasko ng Pagkabuhay, ipinaaalala sa atin ang katotohanan ng ating kahinaan at ang biyaya ng kaligtasan na nagmumula sa Diyos.

More

Ang debosyonal na ito ay nilikha ng mga kawani ng Redeemer Presbyterian Church at unang inilathala sa www.redeemer.com noong 2012. Ginamit nang may pahintulot.