Paghahanda sa Ating mga Puso para sa Pasko ng Pagkabuhay: Isang Debosyonal para sa KuwaresmaHalimbawa

"Ika-23 Araw: Ang Banal na Espiritu"
Sa dulo ng ating mga teksto mula sa aklat ng Isaias, nagtapos tayo sa pamamagitan ng isang taludtod na nagbibigay ng pag-asa tungkol sa pagbabagong dala ng Banal na Espiritu. Ang pinili ng Panginoon, na inilarawan sa mga naunang kabanata bilang hari at lingkod din, ay dumating upang ipahayag ang mabuting balita para sa mga dukha, sa mga nawasak ang puso, sa mga bihag at mga nakabilanggo. Ang piniling ito ay isang lingkod na puno ng awa para sa mga nangangailangan at hari rin Siya na may kapangyarihang isagawa ang pagbabagong ito.
Mahirap basahin ang taludtod na ito nang walang damdamin ng pag-asam, kagalakan at pag-asa. Ang ating mga puso ay nadadala ng pag-asang ang ating pananangis ay mapapalitan ng kagandahan, kagalakan, pagpupuri, katuwiran at kaluwalhatian. Malaki ang kaibahan ng ating mga buhay sa mundo ng mga ipinatapong mga Hudyo, ngunit ang taludtod na ito ay nangungusap sa kaibuturan ng ating nasiphayong mga puso. Nasasalamin sa atin ang diwa ng paghihirap, pagkawasak ng puso, ang pakiramdam ng nag-iisa at nakakulong sa bilangguang tayo rin ang gumawa. Naghahanap tayo ng isang bagay o isang taong makakasagip sa atin mula sa mabigat na suliraning bumabagabag sa atin sapagkat hindi abot ng ating kakayanan ang nangyayari sa ating buhay upang pamahalaan ito ng ating talino, salapi o determinasyon man. Sino itong pinahiran ng langis na ito na mag-aakay sa atin upang maniwalang hindi tayo nag-iisa, na hindi tayo iniwan sa ating kalunus-lunos at inutil na mga sarili?
Sa lahat ng mga taludtod mula sa Lumang Tipan na maaari Niyang gamitin upang simulan ang Kanyang pampublikong ministeryo, binasa ni Jesus ang taludtod na ito mula sa aklat ng Isaias at tinapos Niya ito sa isang matapang na kapahayagan, "Ang kasulatang ito na inyong narinig ay natupad ngayon" (Lucas 4:21). Habang pinag-aaralan mo ang mga bagay na nagdadala sa iyo upang makaramdam ka na ikaw ay nag-iisa at nanghihina, tandaan mo na ang pag-asa ng pagbabagong-anyo na inilahad sa aklat ng Isaias ay natapos na, at si Jesus ang pinakahihintay ng ating pusong may matinding paghahangad.
Panalangin
Aming Ama sa langit, tinapos mo na sa pamamagitan ni Cristo, ang pinahiran ng langis, ang bagay na hindi ko kayang gawin sa sarili kong kakayanan. Ngunit, sa pagtakbo ng aking pang-araw-araw na buhay, bumabalik ako sa aking sarili, at kusang inilalagay sa Iyo lamang ang aking pag-asa para sa pagbabago ng lahat ng bagay. Tulungan mo akong makita pang lalo ang kapuspusan ng tinapos ni Cristo upang ilagak ko ang aking pag-asa sa Kanya at maranasan ang higit na kagalingan, kalayaan at kaginhawahan na buong kagandahang-loob Niyang ibinibigay. Sa pangalan ni Cristo, Amen.
Copyright (c) 2012 ng Redeemer Presbyterian Church.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ano ba ang Mahal na Araw o Kuwaresma? Ito ang panahon kung saan ating inaabangan ang pagtatagumpay ng liwanag at buhay ni Cristo laban sa kasalanan at kamatayan. Sa ating paglalakbay mula Miyerkules ng Abo hanggang sa Pasko ng Pagkabuhay, ipinaaalala sa atin ang katotohanan ng ating kahinaan at ang biyaya ng kaligtasan na nagmumula sa Diyos.
More
Ang debosyonal na ito ay nilikha ng mga kawani ng Redeemer Presbyterian Church at unang inilathala sa www.redeemer.com noong 2012. Ginamit nang may pahintulot.
Mga Kaugnay na Gabay

Adbiyento: Ang Paglalakbay Tungo sa Pasko

Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman

Ang Lahat ay Mapayapa: Pagtanggap sa Kapahingahan ni Jesus Ngayong Kapaskuhan

Bagong Taon, Mga Bagong Awa

Mas Mahusay Kapag Sama-sama

Paglalakbay Tungo sa Sabsaban

Krus at Korona

Pakikinig sa Diyos
