Paghahanda sa Ating mga Puso para sa Pasko ng Pagkabuhay: Isang Debosyonal para sa KuwaresmaHalimbawa

Ika-16 na Araw: Ang Kampeon"
Ang Salmo 68:7-18 ay isang awit ng papuri para sa kapangyarihan ng Diyos na makikita sa kaligtasan. May tatlong pagkilos sa talatang ito. Inilalarawan ng mga berso 7-10 ang kapangyarihan ng Diyos sa pagliligtas sa bayan ng Israel mula sa pagkaalipin sa Ehipto. Pagkatapos, isinasalaysay sa mga berso 11-14 ang kapangyarihan ng Diyos sa kasalukuyan upang ingatan ang Kanyang bayan habang namumuhay silang kasama ang kanilang mga kaaway. At sa huli, ang mga berso 15-18 ay nagdiriwang sa kapangyarihan ng Diyos na ligtas na magdadala sa Kanyang bayan sa kanilang tahanan sa bundok ng Diyos. Ang tatlong pagkilos na ito ay naglalarawan sa buhay ng isang Cristiano. Tayo ang mga taong inilabas mula sa pagkakaalipin sa kasalanan at kamatayan, tayo ang iniingatan sa ating kasalukuyang paglalakbay, at tayo ang binigyan ng pangakong makakarating nang ligtas sa ating tahanan. Paanong maaaring magkatotoo ang mga kamangha-manghang katotohanang ito? Ang mga kapakinabangang ito ay pinagtibay na para sa atin dahil sa ating kampeon.
Tumutukoy ang Salmo 68:18 sa Kanyang pumaitaas, sa kaitaasan, at may akay-akay na isang kalipunan ng mga binihag. Ayon kay San Pablo, ang talatang ito ay naglalarawan kay Cristo Jesus, lalo na ang katagumpayang Kanyang natamo sa pamamagitan ng Kanyang muling pagkabuhay (Efeso 4:8).
Sa Hebreo 12:2, sinabihan tayo na ituon natin ang ating mga mata kay Jesus, ang may-akda ng ating pananampalataya. Bagama't ito'y ito'y may iba't-ibang pagkakasalin na tulad ng "may-akda" o "tagapanguna"," ang pinakamagandang pagsasalin nito ay ang "kampeon." Sa ibang salita, si Jesus ay nakipagsabayan sa kasalanan at kamatayan at Siay ang nanalo! Nakipagbaka Siya sa digmaan laban sa kamatayan at natamo Niya ang tagumpay. Ngayon, maaari na tayong magkaroon ng kapahingahan sa Kanya, sa pagkakaalam nating ang parehong kapangyarihan na bumuhay na muli kay Jesus ay Siya ring gumagawa sa atin. (1Corinto 6:16).
Natatagpuan mo ba ang sarili mong nababalisa ngayon, o nangangamba sa iyong hinaharap? Hayaan mong ang katotohanan ng mga bersong ito ang magpaalala na ang kapangyarihan ng Diyos ay nariyan sa buhay mo dahil sa ginawa ng ating kampeon. Dahil sa Kanya, nakawala tayo sa pagkakaalipin, naiingatan tayo sa araw-araw, at sa pamamagitan ng Kanyang biyaya, tayo'y makakarating sa ating tahanan nang ligtas.
Panalangin
Ama namin sa Langit, pinasasalamatan Ka namin dahil sa kapangyarihang narito sa buhay namin dahil sa aming kampeon, si Cristo Jesus, at hinihingi namin na matagpuan namin ang aming mga sariling may lakas ng loob at kagalakan dahil sa Kanyang itinaas sa kaitaasan. Sa Pangalan ni Cristo, Amen.
Karapatang maglathala (c) 2012 ng Redeemer Presbyterian Church.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ano ba ang Mahal na Araw o Kuwaresma? Ito ang panahon kung saan ating inaabangan ang pagtatagumpay ng liwanag at buhay ni Cristo laban sa kasalanan at kamatayan. Sa ating paglalakbay mula Miyerkules ng Abo hanggang sa Pasko ng Pagkabuhay, ipinaaalala sa atin ang katotohanan ng ating kahinaan at ang biyaya ng kaligtasan na nagmumula sa Diyos.
More
Ang debosyonal na ito ay nilikha ng mga kawani ng Redeemer Presbyterian Church at unang inilathala sa www.redeemer.com noong 2012. Ginamit nang may pahintulot.
Mga Kaugnay na Gabay

Adbiyento: Ang Paglalakbay Tungo sa Pasko

Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman

Ang Lahat ay Mapayapa: Pagtanggap sa Kapahingahan ni Jesus Ngayong Kapaskuhan

Bagong Taon, Mga Bagong Awa

Mas Mahusay Kapag Sama-sama

Paglalakbay Tungo sa Sabsaban

Krus at Korona

Pakikinig sa Diyos
