Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paghahanda sa Ating mga Puso para sa Pasko ng Pagkabuhay: Isang Debosyonal para sa KuwaresmaHalimbawa

Preparing Our Hearts for Easter: A Lenten Devotional

ARAW 15 NG 40

"Ika-15 Araw: Tinalikdan" Ang Awit 22 ay isa sa mga kumpol ng mga awit na naglalarawan ng pagdurusa ng isang tao na tila isang pag-uulit sa pagsasalaysay ni Isaias tungkol sa nagdurusang lingkod ng Panginoon. Ang unang taludtod ng awit na ito ay maaaring pamilyar sa atin sapagkat ito ang mga salitang mismong isinigaw ni Cristo noong Siya'y nakapako sa krus. Ngunit ang awit na ito ay isinulat ni David, maraming salinlahi bago pa nangyari ito. Anuman ang kanyang pagdurusang binabanggit mismo ni David, kanya ring inilalarawan ang propesiya tungkol sa pagdurusa ni Cristo sa krus na tutubos sa atin matapos ang ilang libong taon. Maraming panahon sa buhay ni Jesus na binasa ni Jesus ang salmong ito sa Kanyang pagsamba sa templo. Siguradong naisaulo na Niya ito, kaya nga agad itong nasa isip Niya nang nasa krus na Siya.Dahil batid Niya kung anong magaganap sa Kanya, maaaring hinarap Niya ang buhay sa takot at pangamba. Sa halip, Siya, tulad ni David na nauna sa Kanya, ay nanghawakan sa kung anong alam Niyang totoo: Ang Diyos ay banal, ang Diyos ay Kanyang Diyos, at ang Diyos ay napagkatiwalaan Niya sa buong buhay Niya. At pagkatapos, batay sa mga katotohanang ito, nagsumamo si David sa Diyos na manatiling malapit sa Kanya. Gayunman, batid ni Jesus na ang pinakamalaking pagdurusang haharapin Niya ay ang pagtalikod sa Kanya ng Diyos, upang hindi kailanman tatalikuran ng Diyos ang mga tao. Ang awit na ito ay magtatapos sa pagpupuri at sa isang himig ng tagumpay sa dulo: "sapagkat ginawa Niya ito." Nanatili si Jesus hanggang katapusan, dinala ang ating mga kasalanan, at binili ang ating pakikipagkasundo sa Diyos. Ang kalikasan ng awit na ito na tumutukoy sa pagliligtas ay naging malinaw nang ipinahayag ni David na ang mga nakaraang salinlahi na pumanaw na maging ang mga salinlahi sa hinaharap na hindi pa ipinapanganak ay malalamang ang Diyos ay Diyos na magliligtas sa Kanyang bayan mula sa pagdurusa nito. Dahil si Jesus ay lubos na tinalikdan ng Diyos (para sa atin!), nakatitiyak tayong hindi tayo kailanman tatalikda, kahit na, sa ating pagdurusa, ay tila malayo o nananahimik ang Diyos kapag tayo'y tumatawag sa Kanya. Panalangin Mapagmahal na Diyos, niluluwalhati Ka namin sapagkat dahil sa kabatiran ni Jesus kung paanong lubos na mapahiwalay sa Iyo, hindi na namin ito mararanasan pa. palakasin mo pa ang aming pananampalataya upang tunay ngang maniwala kami lalong-lalo na kapag iniisip naming may mga dahilan kami upang kami'y magkaroon ng pag-aagam-agam. Sa Pangalan ni Cristo, Amen. Karapatang maglathala (c) 2012 ng Redeemer Presbyterian Church.

Tungkol sa Gabay na ito

Preparing Our Hearts for Easter: A Lenten Devotional

Ano ba ang Mahal na Araw o Kuwaresma? Ito ang panahon kung saan ating inaabangan ang pagtatagumpay ng liwanag at buhay ni Cristo laban sa kasalanan at kamatayan. Sa ating paglalakbay mula Miyerkules ng Abo hanggang sa Pasko ng Pagkabuhay, ipinaaalala sa atin ang katotohanan ng ating kahinaan at ang biyaya ng kaligtasan na nagmumula sa Diyos.

More

Ang debosyonal na ito ay nilikha ng mga kawani ng Redeemer Presbyterian Church at unang inilathala sa www.redeemer.com noong 2012. Ginamit nang may pahintulot.