Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

"Ang Iba Pang Anim" na Serye ng mga DebosyonalHalimbawa

"The Other Six" Devotional Series

ARAW 23 NG 40

Pansariling Panahon Kasama ang Diyos // Ikalawang Bahagi: Pagsamba

Kung hindi ka magpupuri sa Diyos, ang mga bato ay maghuhumiyaw. Iyan ang kapangyarihan ng kadakilaan ng Diyos– ang lahat ng nilikha ay nagnanais na sumigaw ng Kanyang papuri. Ang kapayakan ng kanilang pagsigaw ay nakapagbibigay kaaliwan. Hindi natin kailangang magsabi ng matinding pagpupuring teolohiya– kahit mga simpleng salita tulad ng, ‘Pinagpala ang haring naparito sa pangalan ng Panginoon, luwalhati sa kaitaasan.’ Ang mga sumulat ng mga salmo ay mga taong may kahinaan din tulad natin na lumalapit sa isang Diyos na walang kapintasan, at alam nating hindi tayo maikukumpara sa Kanya ngunit mahal pa rin Niya tayo. Gaano kalaki ng kapangyarihan ng pag-ibig na ito kaysa sa mga awit ng pag-ibig sa ating kultura? Ang Kanyang pag-ibig ay walang katapusan, walang pasubali, at halos hindi kapani-paniwala - KAILANGAN tayong umawit ng tungkol sa pag-ibig na ito, napakabuti nito!

Mga Praktikal na Hakbang: Ngayong umaga, gumugol ng ilang minuto upang isipin ang lahat ng mga katangian ng Diyos na kapuri-puri, gumawa ng talaan at basahin ito nang malakas sa Diyos.

Tungkol sa Gabay na ito

"The Other Six" Devotional Series

Ang pang-40 araw na babasahing ito ay dinisenyo upang turuan at gabayan ang mga Cristiano kung paano sumunod kay Jesus hindi lamang kapag Linggo, ngunit sa 'Iba Pang Anim na Araw' ng linggo.

More

We would like to thank Journey Church for providing this plan. For more information, please visit: http://JRNY.church