"Ang Iba Pang Anim" na Serye ng mga DebosyonalHalimbawa

Pansariling Panahon Kasama ang Diyos // Ikalawang Bahagi: Pagsamba
Ang taludtod na ito ay maliwanag at tuwirang nagsasabi, at ito ay nagbibigay ng ilang magagandang dahilan at paraan sa pagpuri sa Diyos. Ito'y nagbibigay rin ng kaganapan mula sa Biblia kung bakit gumagamit tayo ng mga instrumento at musika upang magpuri sa Diyos– ito ay isang daan na nilikha Niya para sa atin upang maipahayag ang ating pasasalamat at pagmamahal sa Kanya. Ang taludtod na ito ay nagtatapos sa isang kautusan para sa lahat ng may hiningang magpuri sa Panginoon– walang hindi gagawa nito! Sa katotohanan, kapag hindi tayo magpupuri sa Diyos, sinasabi ng Biblia na ang mga bato ang siyang maghuhumiyaw sa pagpupuri. Sa anumang paraan, ang Diyos ay mapapapurihan; tayo ang may pagkakataong magkaroon ng kaugnayan sa Kanya at maluwalhati Siya sa ating mga kilos, sa ating pag-iisip at sa ating mga salita. Ang pagsamba ay hindi lang pag-awit - ito ay isang uri ng pamumuhay.
Mga Praktikal na Hakbang: Gumugol ng 5-10 minuto, humanap ng isang lugar kung saan maaari kang mag-isa, at magpatugtog ng awitin ng pagsamba at awitan ang Diyos; ituon ang iyong mga mata sa Kalangitan at sa iyong tinig ay kilalanin ang kadakilaan ng Diyos.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang pang-40 araw na babasahing ito ay dinisenyo upang turuan at gabayan ang mga Cristiano kung paano sumunod kay Jesus hindi lamang kapag Linggo, ngunit sa 'Iba Pang Anim na Araw' ng linggo.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Ang Pagbangon ng Kaligtasan

Isang Biblikal na Pananaw ukol sa Panlipunang Pagbabago

Praying for your Elephant - Pagdarasal nang May Lakas ng Loob

Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman

Ang Boteng Alabastro

Mahalaga ang Pamilya Muna

Ang Kaluwalhatian ng Hari

Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos

Ang Mamahinga: Isang Kautusan ng Diyos
