Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

"Ang Iba Pang Anim" na Serye ng mga DebosyonalHalimbawa

"The Other Six" Devotional Series

ARAW 20 NG 40

Pansariling Panahon Kasama ang Diyos // Unang Bahagi: Pananalangin

Ang pagkabalisa ay madalas na nagmumula sa kakulangan ng pananalangin. Pinaghahambing dito ng may-akda ang pananalangin sa pagkabalisa. Ang paglalagay sa Diyos ng pinakahuling resulta ng sitwasyon, pagkatapos gawin ang kaya nating gawin, ay magdadala ng kapayapaan sapagkat sa kadulu-duluhan, kailangang mamagitan ang Diyos sapagkat kung hindi, manganganib tayo. Gawin natin ang ating bahagi at ipaubaya natin ang lahat sa Diyos. Walang alinlangang mas madali itong sabihin kaysa sa gawin. Sa totoo lang, ito ay isang disiplinang kailangan ng panahon upang matutunan: ang pagtitiwala sa Diyos at ang paniniwalang gagawin Niya ang sinabi Niyang gagawin Niya. Ito ay isang NAPAKALAKING bahagi ng pananalangin.

Mga Praktikal na Hakbang: Kung nakakaranas ka ng pagkabalisa, subukan mong humiling sa Diyos para sa pangangailangan mo, at ipaliwanag mo kung bakit kailangan mo ito ayon sa Kanyang Salita, at pagkatapos ay pasalamatan mo Siya sa mga ginawa Niya noong nakaraan, na may pagtitiwalang gagawin Niya ito.

Tungkol sa Gabay na ito

"The Other Six" Devotional Series

Ang pang-40 araw na babasahing ito ay dinisenyo upang turuan at gabayan ang mga Cristiano kung paano sumunod kay Jesus hindi lamang kapag Linggo, ngunit sa 'Iba Pang Anim na Araw' ng linggo.

More

We would like to thank Journey Church for providing this plan. For more information, please visit: http://JRNY.church