Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Walang Takot: Anim na Linggong Paglalakbay Halimbawa

Fearless: A Six-Week Journey

ARAW 31 NG 88

Ikatlong Linggo: O Panginoon, Ako ay Mahina

ANG TUBIG NG KANYANG SALITA
Basahin ang Mateo 5:1-12.

Ano sa palagay mo ang kahulugan ng walang inaasahan kundi ang Diyos? Ang mga salitang "walang inaasahan" ay ginamit upang tumukoy sa isang taong nabubuhay sa matinding kahirapan, sa isang taong talagang walang-wala. Sa katunayan, palagay ko ang biyudang may dalawang tigsisikwentang sentimo na mababasa sa Marcos 12:42 ay mas mayaman pa kaysa sa maralitang tinutukoy dito ni Jesus.

LUMAKAD SA KATOTOHANAN
Ituring mong ikaw ay isang maralita at walang maibigay sa Panginoon, kahit na dalawang baryang tanso man lang. Ang kailangan mo lang dalhin ay ang iyong mga kasalanan at ang iyong kahinaan bilang tao. Ang sabi ni Jesus, "Mapalad ang mga taong walang inaasahan kundi ang Diyos, sapagkat mapapabilang sila sa kaharian ng langit" (Mateo 5:3). Kapag ang pakiramdam natin ay walang-wala tayo at tayo mismo ay parang walang halaga, doon nagiging lahat-lahat natin ang Diyos at Siya ay naluluwalhati.

Basahin ang Mateo 5:1-12 muli at hilingin mo sa Kanya na tulungan kang maunawaan ang iyong mga kahinaan at ang iyong karukhaan, at malugod nang labis sa Kanya.

ITUON MO ANG MGA MATA NG IYONG PUSO
Tahimik na bigkasin sa sarili mo ang pinagtutuunang mga bersikulo para sa araw na ito. Itago ito sa iyong puso, pagnilayan, at gawing panalangin sa buong araw.

Mateo 5:3-5
Mapalad ang mga taong walang inaasahan kundi ang Diyos, sapagkat mapapabilang sila sa kaharian ng langit. Mapalad ang mga nagdadalamhati, sapagkat aaliwin sila ng Diyos. Mapalad ang mga mapagpakumbaba, sapagkat mamanahin nila ang daigdig.

Tungkol sa Gabay na ito

Fearless: A Six-Week Journey

Matutunan kung paano malampasan ang takot na nangingibabaw sa iyo at nagpapahina sa iyong pananampalataya at magsaya sa bagong pamumuhay nang may kalayaan, katapangan, at kahusayan sa buhay mo at sa iyong patotoo. Tamang-tama para sa mga abalang ina, dalaga, at estudyante sa kolehiyo. Isang debosyonal mula sa Thistleband Ministries.

More

We would like to thank Thistlebend Ministries and author Laurie Aker for providing this plan. For more information, please visit: www.thistlebendcottage.org