Walang Takot: Anim na Linggong Paglalakbay Halimbawa

Ikatlong Linggo: O Panginoon, Ako ay Mahina
ANG TUBIG NG KANYANG SALITA
Basahin ang Mateo 5:6 at ang 2 Timoteo 3:3-9.
Tayo ay nabubuhay sa mga huling araw. Totoong-totoo ang mga salita ni Pablo sa panahon natin ngayon. Ano ang binanggit ni Pablo na totoo pa rin sa iyo o paminsan-minsan pa ring pinaglalabanan?
Basahin ang Mga Taga-Galacia 5. Tayo ay mahirap at tayo ay mahina. Kapag nakahiwalay tayo kay Cristo, hindi natin kakayanin ang balak ng Diyos para sa atin. May dalawang puwersa sa loob natin (Colosas 3:1-17), ang "bagong nilalang" laban sa "dating nilalang," ang laman laban sa Espiritu. Ang kasalanan, ang nakamamatay na salot, ang dumungis sa ating kalikasan at ang labanang ito ay walang humpay hanggang sa katapusan. Ayaw nating mamuhay ayon sa dating pagkatao na nasa loob natin—ang kasalanan. Ang ating tiwaling pananaw sa Diyos at sa mundong nakapalibot sa atin ay nagiging sanhi upang matakot tayong sumunod sa Kanya, matakot na maaaring may masamang mangyari, o matakot sa iisipin ng iba.
Ayaw nating mamuhay sa takot, kundi sa pananampalataya! Dapat tayong umabante sa patnubay ng Banal na Espiritu at huwag magpaalipin sa hilig ng laman ng "dating nilalang." Hilingin sa Espiritu ng Diyos na ibunyag sa iyo ang anumang kasalanan na pumipigil sa iyo upang sumunod nang walang takot! Ipagtapat ang kasalanang iyon at talikuran. Sinasabi sa atin ng 1 Juan 1:9 ang, "Subalit kung ipinapahayag natin sa Diyos ang ating mga kasalanan, maaasahan nating patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan, sapagkat Siya'y tapat at matuwid." At pagkatapos, tayo ay humayo na at huwag nang gumawa ng kasalanan!
ITUON MO ANG MGA MATA NG IYONG PUSO
Tahimik na bigkasin sa sarili mo ang pinagtutuunang mga bersikulo para sa araw na ito. Itago ang mga ito sa iyong puso, pagnilayan, at gawing panalangin sa buong araw.
Mateo 5:3-5
Mapalad ang mga taong walang inaasahan kundi ang Diyos, sapagkat mapapabilang sila sa kaharian ng langit. Mapalad ang mga nagdadalamhati, sapagkat aaliwin sila ng Diyos. Mapalad ang mga mapagpakumbaba, sapagkat mamanahin nila ang daigdig.

Tungkol sa Gabay na ito

Matutunan kung paano malampasan ang takot na nangingibabaw sa iyo at nagpapahina sa iyong pananampalataya at magsaya sa bagong pamumuhay nang may kalayaan, katapangan, at kahusayan sa buhay mo at sa iyong patotoo. Tamang-tama para sa mga abalang ina, dalaga, at estudyante sa kolehiyo. Isang debosyonal mula sa Thistleband Ministries.
More
We would like to thank Thistlebend Ministries and author Laurie Aker for providing this plan. For more information, please visit: www.thistlebendcottage.org
Mga Kaugnay na Gabay

Praying for your Elephant - Pagdarasal nang May Lakas ng Loob

"Ang Iba Pang Anim" na Serye ng mga Debosyonal

Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman

Ang Pagbangon ng Kaligtasan

Eliseo: Kuwento ng Isang Katawa-tawang Pananampalataya

Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos

Pakikinig sa Diyos

BibleProject | Maikling Kurso tungkol kay Apostol Pablo

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan