Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Walang Takot: Anim na Linggong Paglalakbay Halimbawa

Fearless: A Six-Week Journey

ARAW 28 NG 88

IKALAWANG LINGGO: PANGINOON, IKAW BA AY NASA BAGYO?

ANG TUBIG NG KANYANG SALITA
Basahin ang Isaias 45:5. Patuloy na pagbulay-bulayan ang bersikulong ito batay sa lahat ng iyong binasa at ipinanalangin sa araling ito.

MAGNILAY
Ano ang nais ng Panginoon na gawin mo sa mga napag-aralan mo? Ano ang kailangang baguhin sa paraan ng iyong pag-iisip, pagkilos, pagtugon o pagtatakda ng mga gawain sa buong linggo? Mayroon bang Salita mula sa Banal na Kasulatang nais Niyang isapuso mo? Paano mo ito maisasabuhay? Dalhin mo ang lahat ng ito sa Panginoon sa panalangin.

Huminto at mag-isip. Katotohanan ba ito o damdamin lang? Ang Panginoon ba ito o ako? Alalahaning tanungin ang iyong sarili, maniniwala ba ako sa aking mga damdamin, aking mga kaisipan, o maniniwala sa Diyos at sa Kanyang sinabi? "Pumili kayo ngayon kung sino ang inyong paglilingkuran." (Josue 24:15).

Dalhin sa Panginoon ang anumang alalahanin. Hilingin sa Panginoon na bigyan ka ng higit na kaunawaan sa mga susunod na linggo.

ITUON MO ANG MGA MATA NG IYONG PUSO.
Tahimik na bigkasin sa sarili ang pinagtutuunang bersikulo para sa araw na ito. Itago mo ito sa iyong puso, pagnilayan, at gawing panalangin mo sa buong araw.

Deuteronomio 32:39
Alamin ninyong Ako ang Diyos—Oo, Ako lamang. Maliban sa Akin ay wala nang iba pa. Ako'y pumapatay at nagbibigay-buhay, Ako'y sumusugat at nagpapagaling din naman. Wala nang makakapigil, anuman ang Aking gawin.

Tungkol sa Gabay na ito

Fearless: A Six-Week Journey

Matutunan kung paano malampasan ang takot na nangingibabaw sa iyo at nagpapahina sa iyong pananampalataya at magsaya sa bagong pamumuhay nang may kalayaan, katapangan, at kahusayan sa buhay mo at sa iyong patotoo. Tamang-tama para sa mga abalang ina, dalaga, at estudyante sa kolehiyo. Isang debosyonal mula sa Thistleband Ministries.

More

We would like to thank Thistlebend Ministries and author Laurie Aker for providing this plan. For more information, please visit: www.thistlebendcottage.org