Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Walang Takot: Anim na Linggong Paglalakbay Halimbawa

Fearless: A Six-Week Journey

ARAW 25 NG 88

IKALAWANG LINGGO: PANGINOON, IKAW BA AY NASA BAGYO?

ANG TUBIG NG KANYANG SALITA
Basahin ang Genesis 45:4-8 at ang Exodo 4:10-12.

Ano ang sinasabi ni Jose sa kanyang mga kapatid? Ano ang natututunan mo habang nakikinig ka sa pakikipag-usap ng Diyos kay Moises? Ano ang kailangan mong sabihin sa sarili mo?

LUMAKAD SA KATOTOHANAN
Ano ang nangyayari sa buhay mo ngayon? Paano kang dinala ng Diyos sa puntong ito? Anong nangyayari sa buhay mo na hindi mo nauunawaan?

Lahat ba ay ipinagkatiwala mo na sa Kanya? Ilalatag mo ba ang buong buhay mo sa harap ng Panginoon at ibibigay ang lahat sa Kanya? Huwag kang umasa sa sarili mong pananaw. Huwag kang umasa sa sarili mong karunungan kundi maniwala ka na lahat ng bagay ay ginagawa ng Diyos ayon sa layunin ng Kanyang kalooban (Mga Taga-Efeso 1:11)—na gumagawa ang Diyos para sa ikabubuti ng mga nagmamahal sa Kanya, silang mga tinawag ayon sa Kanyang layunin (Mga Taga-Roma 8:28).

Maaaring gamitin ng Diyos ang kahit anong bagay at ang lahat ng bagay. Ginagamit Niya ang lahat para sa mabuti, maging ang ating kasalanan. Salamat na lamang at ang kalalabasan ng ating buhay ay hindi sa atin nakasalalay. Napakadilim ng kinabukasan natin kung magkaganoon. Ang Diyos ang Siyang may kapamahalaan, at ang lahat ay ginagawa Niya para sa kabutihan kahit na sa pakiramdam natin ay hindi ito mabuti. Bumaling sa Diyos sa panalangin at humingi ng tulong sa Kanya upang makita mo ang mga bagay ayon sa Kanyang pananaw. Humingi ka sa Kanya ng pananampalataya upang mapagkatiwalaan mo Siya at lumapit ka sa Kanya kahit na sinusugatan ka Niya.

ITUON MO ANG MGA MATA NG IYONG PUSO
Tahimik na bigkasin ang pinagtutuunang mga bersikulo sa araw na ito. Itago ito sa iyong puso, pagnilayan, at gawing panalangin sa buong araw.

Deuteronomio 32:39
Alamin ninyong Ako ang Diyos—Oo, Ako lamang. Maliban sa Akin ay wala nang iba pa. Ako'y pumapatay at nagbibigay-buhay, Ako'y sumusugat at nagpapagaling din naman. Wala nang makakapigil, anuman ang Aking gawin.

Tungkol sa Gabay na ito

Fearless: A Six-Week Journey

Matutunan kung paano malampasan ang takot na nangingibabaw sa iyo at nagpapahina sa iyong pananampalataya at magsaya sa bagong pamumuhay nang may kalayaan, katapangan, at kahusayan sa buhay mo at sa iyong patotoo. Tamang-tama para sa mga abalang ina, dalaga, at estudyante sa kolehiyo. Isang debosyonal mula sa Thistleband Ministries.

More

We would like to thank Thistlebend Ministries and author Laurie Aker for providing this plan. For more information, please visit: www.thistlebendcottage.org