Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Banal na mga Damdamin - Maka-Bibliang Tugon sa Bawat PaghamonHalimbawa

Holy Emotions - Biblical Responses to Every Challenge

ARAW 6 NG 30

Mayroon kang diwa at mayroon kang espiritu. Ang iyong espiritu ang mas mataas na bahagi ng iyong kalooban at ang diwa ang mas mababa. Ang espiritu ay ang prinsipyo ng buhay na ipinagkaloob ng Diyos sa tao at ito ang bahagi ng iyong pagkatao na nakakaunawa sa mga bagay na pang walang hanggan. Hindi ka lalakad sa pamamagitan ng pananampalataya at sa pamamagitan ng paningin kung wala kang espiritu. Ang iyong espiritu ay ginawa upang lumakad sa pananampalataya at ang iyong diwa ay may kakayahang lumakad gamit ang paningin.



Sinabi ni Martin Luther, "Ang espiritu ang pinakamataas at pinakadakilang bahagi ng tao kung kaya kaya niyang panghawakan ang mga bagay na hindi maunawaan, walang hanggan at hindi nakikita."



Ang iyong diwa ang luklukan ng iyong pagkatao, ng iyong mga nararamdaman, mga hangarin, pagmamahal at pag-ayaw. Sa simpleng salita, ang iyong diwa ang pinagmumulan ng lahat ng emosyon ng tao. Kapag tinutukoy ng Biblia ang iyong diwa, ito ay tumutukoy doon sa nakaka-impluwensya sa iyong emosyonal na pagtugon sa buhay. Sa Lucas 12, sinabi ni Jesus sa kwento tungkol sa mayamang magsasaka na lubhang matagumpay at sagana. Nang ang mayamang magsasaka na ito ay naubusan ng lugar para imbakan ng kanyang mga produkto dahil sa dami ng kanyang inani, nagdesisyon siyang gibain ang kanyang kamalig at magtayo ng mas malaki, mas mahal na iba pa. Ang taong ito ay lubhang masaya sa kanyang magandang kapalaran kung kaya sinabi niya sa kanyang sarili, "marami ka nang naipon para sa mahabang panahon. Kaya't magpahinga ka na lamang, kumain, uminom, at magpasarap sa buhay! (v. 19).



Narinig ng Diyos ang plano ng hambog na lalaki at Siya ay nalungkot sa kanyang desisyon na mabuhay sa materyal lamang nang hindi iniisip ang walang hanggan. Ang magsasaka, na ang diwa ay puno ng kalayawan at ang mga kamalig ay puno, ay may espiritung walang laman at patay.



Maraming Cristiano ang may parehong pagkakamali tulad ng mayamang magsasaka sa parabula ni Jesus. Patuloy ang pagpapakain natin sa ating mga diwa at tinitipid naman ang ating espiritu. Kung nabubuhay ka na nakatuon sa mga makamundong pagnanasa at hangaring emosyonal, ang iyong diwa ay mawawalan ng kontrol. Hayaan mo ako na tanungin ka ng lubhang angkop at mabigat na katanungan, habang inaasikaso natin ang ating mga walang kontrol na damdamin, Alin ang iyong bahagi na mas malusog at mas malakas? Ang iyong diwa? O ang iyong espiritu? Sa bawat Cristiano, ang malinaw at marubdob na sagot ay dapat na, "Ang aking espiritu!"
Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Holy Emotions - Biblical Responses to Every Challenge

Ginawa ka ng Diyos at inilagay ka sa sandaling ito ng panahon, upang mahalin ang mga taong hindi kaibig-ibig, upang maglarawan ng kapayapaan sa kaligaligan, at magpakita ng palabang kagalakan sa bawat sitwasyon. Mukha ma...

More

Nais naming pasalamatan si Carol McLeod at ang Just Joy Ministries sa pagbibigay ng debosyonal na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.justjoyministries.com

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya