Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Banal na mga Damdamin - Maka-Bibliang Tugon sa Bawat PaghamonHalimbawa

Holy Emotions - Biblical Responses to Every Challenge

ARAW 11 NG 30

Isa sa mga pinakamahalagang sangkap na kinakailangan para sa pagkakaroon ng malakas na espiritu ay ang pagiging tapat sa iglesia at sa pakikisama sa ibang mananampalataya. Huwag na huwag magkaroon ng masamang ugali na mawawala ang pag-uugaling pumunta sa iglesia! Ang Espiritu ng Diyos ay laging nariyan kapag ang Kanyang Katawan ay nagkakatipon, at palalakasin Niya ang iyong espiritu habang natutuklasan mo ang saya sa pagkakaroon ng sama-samang pagsamba. Minamahal ng Diyos ang Kanyang Lupon ng Mananampalataya at kagalakan sa puso ng ating Ama kapag tayo ay nagkakatipon-tipon sa Kanyang tahanan para sa isang araw ng pagsamba, at pinag-aaralan ang Salita ng Diyos at nagkakaroon ng pagsasama-sama. Hindi lamang naiibigan Niya ito - kundi gusto Niya kapag nagugustuhan natin ito!



Ang konsepto ng buhay pang-Iglesia at ang pagtitipon-tipon alang-alang sa Pangalan Niya ay inisip na Niya simula noong bumalik sa langit si Jesus. Alam ng Banal na Espiritu na hindi natin kakayanin kapag nag-iisa tayo bilang Cristiano, kundi kakailanganin natin ang mga makukuha natin katagumpayan na ibinibigay sa atin kapag tayo ay sama-sama sa ating pananampalataya.



Huwag mamaliitin ang mga himalang nangyayari sa kaloob-looban mo kapag pinili mong makisama sa ibang mananampalataya alang-alang sa Pangalan Niya. Kapag ang Salita ng Diyos ay ipinapangaral ... ikaw ay lumalago. Kapag ikaw ay sumasama sa pagsambang pangkalahatan ... ang bunga ng Banal na Espiritu sa iyong buhay ay nalalagyan ng pataba. Kapag ibinibigay mo ang iyong ikapu at nagbibigay ka ng iyong handog ... ang kakayanan mong mag-iwan ng walang hanggang epekto ay nadaragdagan. Kapag ikaw ay masigasig na pumasok sa isang magandang relasyon kasama ang mga kalalakihan at kababaihan ... ang kapaitan at galit sa buhay ay nagsisimulang umalis sa takot.



Walang iglesiang walang kapintasan sapagkat walang taong walang kapintasan. Kapag nasaktan ang damdamin mo habang nasa iglesia ka, pagpasiyahan mong lumakad sa pagpapatawad at pagpalain mo ang nagkasala sa iyo. Kakatagpuin ka ng Diyos sa iglesia sa paraang hindi maaari posible kapag nasa ibang lugar ka. Ang pagpunta sa iglesia ay hindi isang batas kundi ito ay isang magandang pagpili na makatutulong sa iyong kasalukuyang buhay at sa iyong kinabukasan! Sinisiguro ko ito!
Araw 10Araw 12

Tungkol sa Gabay na ito

Holy Emotions - Biblical Responses to Every Challenge

Ginawa ka ng Diyos at inilagay ka sa sandaling ito ng panahon, upang mahalin ang mga taong hindi kaibig-ibig, upang maglarawan ng kapayapaan sa kaligaligan, at magpakita ng palabang kagalakan sa bawat sitwasyon. Mukha ma...

More

Nais naming pasalamatan si Carol McLeod at ang Just Joy Ministries sa pagbibigay ng debosyonal na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.justjoyministries.com

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya