Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Banal na mga Damdamin - Maka-Bibliang Tugon sa Bawat PaghamonHalimbawa

Holy Emotions - Biblical Responses to Every Challenge

ARAW 5 NG 30

Ang iyong emosyon ay naglalakbay ng 80,000 beses na mas mabilis kaysa sa paglalakbay ng iyong isipan. Hindi ba kamangha-mangha iyan? Ang isang piraso ng kahanga-hangang impormasyong ito ay nakakatulong upang maunawaan natin kung bakit kapag may masamang nangyayari, nakakaramdam tayo ng mahapdi at mapanlinlang na emosyon, ngunit hindi agad natin maalala kung anong kailangang gawin o kung sino ang dapat tawagan. Sa kabaligtaran naman nito, totoo rin na kapag may magandang nangyari sa atin at tayo ay nababalot sa labis na katuwaan, sa sandaling iyon din, wala tayong kakayahang makapagpasya kung ano ang sunod nating gagawin. Lahat ng makatwiran at praktikal na pag-iisip ay dumarating sa sentro ng ating mga ugat nang matagal na ang nakalipas na panahon na lumabas na ang ating emosyon.



Ang napakabilis na takbo ng ating mga emosyon sa pagtugon sa buhay ay makakatulong na maipaliwanag kung bakit, kahit ang mga Cristiano, ay madalas na gumagawa dahil sa kanilang mga nararamdaman at hindi dahil sa mga prinsipyo. Isang bagay - o isang Tao - ang kailangang pumigil sa iyong emosyon sa napakabilis nitong pagtakbo upang mapilitan itong magpasakop sa bunga na matatagpuan lamang sa Banal na Espiritu. Kung patuloy mong hahayaan ang iyong emosyon na hatakin ka sa buhay mo, lagi kang makakapagsabi ng mga salitang ikapapahiya mo, kikilos sa mga paraang hindi nararapat, at hindi mo mararanasang maging ang nilalang na nilalayon ng Diyos para sa iyo. Ang kalalabasan nito ay ang isang mabilis at malakas na pagsabog na makakawasak sa lahat ng madaanan nito.



Kakaunti lamang sa buhay ang mas mahalaga pa kaysa sa pagkakaroon ng matiwasay na pamamahala sa mga problema ng puso.



Kapag ang salitang "puso" ay ginagamit, lalo na sa Lumang Tipan, ito ay tumutukoy sa kaluluwa o ang pinanggagalingan ng mga pakiramdam, emosyon at pagmamahal. Ang iyong puso ang nagpapasya kung paanong kikilos sa anumang sitwasyon at narito rin ang kinalalagyan ng iyong kalooban at ng layunin mo sa buhay. Sinasabi ng Biblia na "bantayan" o "ingatan" nang buong pansin ang bahaging iyon ng iyong buhay.



Napakalaki ng halaga ng iyong puso para sa Diyos at ito ay dapat na itinuturing na isang kayamanan na malaki ang kabuluhan. Ang suliranin ay nasa puso mismo: ayaw ng puso mong binabantayan. Ang nais nito ay malakas niyang maipahayag ang kanyang sarili at ang lahat ng kanyang palagay. Ang iyong puso ay marubdob sa pagpapahayag, paglalabas at pagsasatinig ng bawat katiting na damdamin na naranasan nito. Hindi kailanman sinabi ng Biblia na tayo ay pinapayagang ipahayag ang lahat ng nasa puso natin - ang sinasabi nito ay bantayan natin ito.

Banal na Kasulatan

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Holy Emotions - Biblical Responses to Every Challenge

Ginawa ka ng Diyos at inilagay ka sa sandaling ito ng panahon, upang mahalin ang mga taong hindi kaibig-ibig, upang maglarawan ng kapayapaan sa kaligaligan, at magpakita ng palabang kagalakan sa bawat sitwasyon. Mukha ma...

More

Nais naming pasalamatan si Carol McLeod at ang Just Joy Ministries sa pagbibigay ng debosyonal na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.justjoyministries.com

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya