Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Banal na mga Damdamin - Maka-Bibliang Tugon sa Bawat PaghamonHalimbawa

Holy Emotions - Biblical Responses to Every Challenge

ARAW 10 NG 30

Ang isang makapangyarihang paraan upang matiyak na ang iyong espiritu ay lumalago patungo sa pinakamalusog na bahagi ng iyong panloob na pagkatao ay sa pamamagitan ng pananalangin nang walang humpay. Hindi ko sinabing umangal nang walang humpay - ang sinabi ko ay manalangin nang walang humpay.



Napakaraming mga Cristiano ang ginugugol ang kanilang buhay sa pag-angal at pagrereklamo sa Panginoon at pagkatapos ay magtataka kung bakit ang kanilang mga panalangin ay hindi nasasagot! Kapag ikaw ay nananalangin, manalangin ka nang buong kagalakan! Kapag ikaw ay nananalangin, lumapit ka nang may katapangan at may kapangyarihan sa Kanyang presensya! Kapag ikaw ay nananalangin, iwanan mo ang iyong maramdaming kaluluwa sa labas ng pintuan at dalhin mo ang iyong malusog na espiritu sa Silid ng Kanyang Trono at damhin ang Kanyang pambihirang presensya!



Mahal ka pa rin ng Diyos kapag ikaw ay umaangal ...subalit kapag isinama mo ang iyong espiritu sa Kanyang Espiritu sa isang engrandeng pagpupuri, ito ang pagkakataon kung saan ang langit at lupa ay kikilos para sa iyong kapakinabangan. Bilang mga Cristiano, hindi tayo isang grupo ng mga taong ang pag-awit at pagdiriwang ay kapag maganda lamang ang sikat ng araw at napakaganda ng ating kalagayan, ngunit determinado tayong manalangin nang may kagalakan kahit na ang buhay natin ay nagkakawatak-watak. Bahagi na ng ating DNA na lumapit sa Kanyang presensya nang may pagpapasalamat sa kabila ng kung anumang naghihintay sa atin sa labas ng pintuan ng Kanyang presensya.



Ang tatlong kalalakihang Hebreo ay sumamba habang sila ay nasa nag-aapoy na pugon! Umawit sina Pablo at Silas isang hating-gabi habang sila ay nasa bilangguan! Si Esteban ay sumamba habang siya ay binabato! Si Hannah ay sumamba kahit na hindi pa man siya nagdadalang-tao! Sumali na sa karamihan ng mga mananampalataya mula sa bawat henerasyon ng kasaysayan na piniling manalangin nang may kagalakan.
Araw 9Araw 11

Tungkol sa Gabay na ito

Holy Emotions - Biblical Responses to Every Challenge

Ginawa ka ng Diyos at inilagay ka sa sandaling ito ng panahon, upang mahalin ang mga taong hindi kaibig-ibig, upang maglarawan ng kapayapaan sa kaligaligan, at magpakita ng palabang kagalakan sa bawat sitwasyon. Mukha ma...

More

Nais naming pasalamatan si Carol McLeod at ang Just Joy Ministries sa pagbibigay ng debosyonal na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.justjoyministries.com

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya