Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Si Cristo > CoronaHalimbawa

Christ > Corona

ARAW 3 NG 11

Pagpapala #2: Tinuturuan Tayo ng Kapakumbabaan



Sa tuwing nagbabasa ako ng balita (na maaaring mali sa mga panahong ito), nakakakita ako ng kuwento tungkol sa isang kilalang tao na positibo sa Coronavirus. Sa kabila ng kanilang katanyagan, kapangyarihan, kayamanan, at impluwensya, hindi nila maiwasan ang napakasakit na balitang ito. Tila ang Corona ay hindi nagtatangi sa sinumang tao. Nakapagpapababa ito ng kalooban, hindi ba?



Sa isa sa mga huling liham niya, isinulat ito ni Pablo sa kaibigan niyang si Timoteo: "Ituro mo sa mayayaman na huwag silang magmamataas; at huwag silang umasa sa kayamanang lumilipas, kundi sa Diyos na masaganang nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan upang tayo'y masiyahan."(1 Timoteo 6:17) Ang salapi, tulad ng mga pinakabagong smartphone na ginagamit ng mga tao ngayon, ay maaaring maging dahilan upang makalimutan natin kung gaano tayo kahina. Ang "mayayamang" tao mula sa pinakamauunlad na bansa (katulad ko at, ayon sa pandaigdigang sukatan, ang 99% sa inyo) ay nagdadagdag ng mga tagasunod sa Instagram, nagtatayo ng mga negosyo, at nagpapalaki ng mga matatagumpay na anak, at agad na iniisip na magaling tayo sa buhay. Subalit ang lahat ng ito ay maaaring mawala sa isang iglap. at hindi natin ito mapipigilan.



Ang virus na ito ay isang nakapagpapababa ng loob na paalala na ang salapi, kagandahan, at impluwensya ay hindi makapagliligtas ng iyong buhay, ni hindi kailanman makapagliligtas ng iyong kaluluwa. Ang iyong depositong tseke at 401 (k) ay maaaring makapagbigay sa iyo ng dagdag na toilet paper, ngunit hindi nito masasanggahan ang iyong sistema mula sa napipintong banta ng karamdaman at kamatayan. Kaya nga ayaw ni Pablo na ilagay mo ang iyong pag-asa sa iyong kayamanan o sa iyong nakamtan o sa iyong karera o sa iyong GPA.



Nais ni Pablong ilagay mo ang iyong pag-asa sa Diyos: "Ituro mo sa mayayaman . . . kundi umasa sa Diyos na masaganang nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan upang tayo'y masiyahan." (1 Timoteo 6:17) Mapagpakumbaba tayong umaasa sa Diyos. Ang Diyos na kasama natin sa ating ginagawang social distancing. Ang Diyos na para sa atin sa kabila ng ating mga takot at kabiguan. Ang Diyos na nasa atin, na gumagawa sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu Santo upang tayo'y bigyan ng kaginhawaan at palitan ang ating mga pag-aalala ng pagsamba.



Kung ibinigay ng Diyos ang nararapat para sa atin, lahat tayo ay agad-agad na mamamatay at hindi na natin kailanman makikitang muli ang Kanyang mukha (Mga Taga-Roma 6:23). Salamat na lang, napakamaawain ng Diyos upang bigyan tayo ng isa pang hininga at ng pagpapala ng buhay na walang hanggang kasama Siya.



Kaya ngayon, hinihingi ko sa iyong ilagay mo ang pag-asa mo sa Diyos. Ilagay mo ang kagalakan para bukas sa presensya ng Diyos. Tinitiyak ko sa iyo, sa pamamagitan ni Jesus, magigising ka bukas ng umaga sa Kanyang pagngiti.



Isang katibayan, muli, na si Cristo > Corona.


Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Christ > Corona

Ang coronavirus at ang mga hindi natin alam, ang mga pagkaantala, pagkakansela, at ang social isolation ay matagal pa bago matapos, na nangangahulugang ang mga biyayang gustung-gusto natin ay maaaring hindi natin makikit...

More

Nais naming pasalamatan ang Time of Grace Ministry para sa gabay na ito. Para sa karagdagan impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://timeofgrace.org/welcome-to-time-of-grace/?togipsrc=youversion&togpreselect=1-2

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya