Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Si Cristo > CoronaHalimbawa

Christ > Corona

ARAW 8 NG 11

Pagpapala #7—Tinuturuan Tayong Mahalin ang Simbahan



Kaya mo bang guni-gunihin ang nangyayaring isolation ngayon nang wala ang mga makabagong pagsulong sa teknolohiya?



Ngayong linggong ito, pinanood ko ang live stream ng aming panambahan, kumpleto ang maraming mga kamera, mga musikerong may likas na galing, at isang mensahe na nakasentro kay Cristo. Maya-maya, pinatugtog ko ang paborito kong istasyon sa Amazon (Shane & Shayne Hymns Live, FYI) at umawit para kay Jesus kasama ang aking asawa at mga anak. Sa buong araw na iyon, nagpadala ako ng mensahe sa mga kapatid ko kay Cristo at ibinahagi sa kanila ang pampalakas ng loob sa pamamagitan ng Facebook at Instagram.



Palagay ko ay walang natamasang panonood sa Netflix ang mga Cristiano at kanilang mga malalapit na kaibigang nagtiis noon sa salot na itim . . .



Gayunpaman . . . hindi ako kuntento.



Dahil hinahanap-hanap ko na ang ako ay nasa simbahan. Ang pag-awit kasama ang aking asawa at mga anak sa pamamagitan ng live stream ay mabuti rin naman ngunit malayo ito sa kaluwalhatian ng pagsali sa daan-daang tinig na sama-sama sa iisang lugar. Ang pagtatala mula sa naririnig na sermon habang ako ay nakaupo ay mas mabuti kaysa sa wala, ngunit hindi ito mas mabuti sa nakaupo ako sa simbahan. 



Napagtanto ko rin, katulad mo, na ang lokal na simbahan ay masalimuot. Ang ilang sermon ay paliko-likong landas ng hindi magkakaugnay na taludtod na walang malinaw na punto. Ang ilang musikero ay gumagawa ng ingay, ngunit hindi ito isang nakagagalak na ingay. At ang mga tao ay . . . mga tao. 



Gayunman, tinuturuan ako ng Coronavirus na mahalin ang aking simbahang Cristiano. Hindi na ako makapaghintay sa pagdating ng araw na mawawala na ang mga pagbabawal at maaari na kaming nasa magkakaparehong lokasyon sa GPS. May kutob akong malulunod ng kagalakan ang tunog ng mga tambol!



Tatlong libong taon na ang nakakaraan, ang lingguhang pagsamba ay hindi pa nakakagawian. Kaya pala ang isang salmista noong panahong iyon ay napabulalas, "Ako ay nagalak nang sabihin nila: 'Pumunta na tayo sa bahay ni Yahweh.”' (Mga Awit 122:1)  Ang paghugos patungo sa bahay ng Panginoon sa Jerusalem (ang templo) ay nagdala ng libo-libong pamilya ng Diyos na magkakasama. Napakalaking kaibahan sa araw-araw na buhay sa isang maliit na nayon sa Galilea!



Ang teknolohiya ay nagbibigay ng napakagandang pang-ibabaw sa ating espirituwal na keyk. Ang araw-araw na sermon sa podcast at sa radyong pang-Cristiano ay pumupuspos sa akin mula Lunes hanggang Sabado. Ngunit walang maaaring pumalit sa pisikal na pagsasama-sama ng mga anak ng Diyos.



Kung ang pandemyang ito ay tinuturuan tayong mas mahalin pa ang ating mga Linggo nang higit kaysa dati, mapapatunayan nito, muli, na si Cristo > Corona.


Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Christ > Corona

Ang coronavirus at ang mga hindi natin alam, ang mga pagkaantala, pagkakansela, at ang social isolation ay matagal pa bago matapos, na nangangahulugang ang mga biyayang gustung-gusto natin ay maaaring hindi natin makikit...

More

Nais naming pasalamatan ang Time of Grace Ministry para sa gabay na ito. Para sa karagdagan impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://timeofgrace.org/welcome-to-time-of-grace/?togipsrc=youversion&togpreselect=1-2

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya