Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Si Cristo > CoronaHalimbawa

Christ > Corona

ARAW 11 NG 11

Pagpapala #10—Tinuturuan Tayo Kung Sino ang Walang Hanggan



May tatlong mga salita na nagbago ng buhay ko—Narito ang Diyos!



Gustung-gusto kong isipin ang tungkol sa presensya ng DIYOS. Hindi iyong mahina, walang pakialam, pangkibit-balikat na nakatataas na kapangyarihan (kaya malalaking letra ang ginamit ko). Ang sinasabi ko ay ang tungkol sa DIYOS na mas mabuting gamot pa sa Coronavirus, mas mabuti pa kaysa sa isang mundong malaya-sa-mga bawal, mas malaki pa kaysa sa tsekeng mula sa gobyerno. Marami mang trabaho ang kailangang gawin, pinipilit ko ang utak kong tandaan na ang DIYOS, dahil sa Kanyang kalikasan, ay higit na mas mabuti sa pinakamabuting maibibigay ng buhay dito sa mundo.



Higit pa rito—ang maluwalhating DIYOS ay naritong kasama natin sa mga sandaling ito.



Ang mga anak na lalaki ni Korah ay nagalak at nagpasya: "Ang Diyos ang ating lakas at kanlungan, at handang saklolo kung may kaguluhan. Di dapat matakot, ..." (Mga Awit 46:1-2) Bakit hindi natin kailangang matakot? Dahil ang DIYOS ay ang ating "handang saklolo kung may kaguluhan." Lagi Siyang nasa ating tabi, laging nariyan habang hinaharap natin ang mga bagay na hindi sigurado sa ating hinaharap.



Maaari ba tayong magkasakit? Oo naman. Maaari bang magtagal ng ilang buwan ang kakatwang bagong mundong ito? Maaari. Maaari bang maging ibang-iba na ang buhay kapag sa wakas ay magamot na ang karamdamang ito? Maaari at malamang naman.



Kung dahil diyan ay natatakot ka, alalahanin mo ang DIYOS. Kahit na sa pinakamalalang sitwasyon mo, ang DIYOS ay naririyan pa ring kasama mo. Iyan ang singtigas ng batong pagpapala na ibinigay ni Jesus sa Kanyang pagkamatay at muling pagkabuhay, ngayon at magpakailanman. Kaya't guni-gunihin mo na Siya ay nasa iyong silid. Ipikit mo ang iyong mga mata at makikita mo ang ngiti Niya (Mga Bilang 6:24-26). Makita mo sa iyong kaisipan ang pinakamabuting pagpapala, at pagkatapos ay sabihin nang malakas, "Ngunit ang DIYOS ay higit pa riyan." Pagkatapos ay ibulong, "At ang DIYOS ay narito."



Ang langit ay langit dahil makakasama mo ang DIYOS. Salamat na lang, hindi na natin kailangang maghintay na makasama ang DIYOS. Narito na Siya kahit ngayon. Kaya nga, hindi mo kailangang matakot sa maliit na karamdamang ito o sa malaking hamong hinaharap mo sa buhay mo ngayon.



Kung ang plano sa atin ng DIYOS ay ang gabayan tayo tungo sa isang buhay na walang takot, mapatutunayan nito, sa higit pa sa isang paraan, na si Cristo > Corona. 



Naghahanap ka pa ba ng ibang sanggunian upang magamit sa bahay? Humanap pa ng iba mula sa Time of Grace. 




Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Christ > Corona

Ang coronavirus at ang mga hindi natin alam, ang mga pagkaantala, pagkakansela, at ang social isolation ay matagal pa bago matapos, na nangangahulugang ang mga biyayang gustung-gusto natin ay maaaring hindi natin makikit...

More

Nais naming pasalamatan ang Time of Grace Ministry para sa gabay na ito. Para sa karagdagan impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://timeofgrace.org/welcome-to-time-of-grace/?togipsrc=youversion&togpreselect=1-2

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya