Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Si Cristo > CoronaHalimbawa

Christ > Corona

ARAW 1 NG 11

Si Cristo > Corona



Kung ang coronavirus na ito ay tila isang sumpa, naririnig kita. Depende sa kung anong ulo ng balita ang binabasa mo, ang mga pagkaantala, mga pagkakansela, at ang social isolation ay matagal pang matatapos, na nangangahulugang ang marami sa mga biyayang gustung-gusto natin ay maaaring hindi pa natin makikita sa mga susunod na buwan. Sa isang linggong ako ay nag-self-quarantine, hinahanap-hanap ko na ang iglesia ko, ang mga kaibigan ko, ang pamilya ko, at ang dating buhay ko (noong hindi ko kailangang sabihin sa nagdadala ng pizza na iwan ito sa balkonahe). 



Ganito rin ba ang nararamdaman mo?



May positibong bagay sa coronang ito. Tutal, sumasamba tayo sa isang Diyos na nangakong ang sakit na ito ay nasa ilalim ng buong kontrol ni Jesus (Mga Taga-Efeso 1:22) at magiging/ dapat na magamit para sa ikabubuti ng iglesia ng Diyos (Mga Taga Roma 8:28). Nangangahulugan itong maging ang sakit na ito ay kailangang lumuhod at magpasailalim kay Jesus. Sa kabuuan ng kasaysayan ng sangkatauhan, ang ekwasyong ito ay hindi pa kailanman napatunayang mali: 



Cristo >___________ . 



Si Jose (na nasa Lumang Tipan) ay hindi batid ang mga biyayang darating sa kanya pagkatapos siyang ipagkanulo ng kanyang mga kapatid at ang napakaraming gabing inilagi niya sa isang bilangguang Egipcio, ngunit higit na malaki ang Diyos kaysa sa kanyang sitwasyon (Genesis 45:7-8). Hindi rin naguni-guni ni Jose (na nasa Bagong Tipan) ang kahariang darating sa sangkalupaan nang inilabas ni Caesar Augustus ang isang utos sa napakapangit na panahon (sa Bethlehem? Ngayon? Kung kailan buntis si Maria?), ngunit mas malaki ang Diyos kaysa sa balakid na kinakaharap ni Jose (Lucas 2:1-20). Isang kalunus-lunos na pangyayari lamang ang nakita nina Pedro, Juan at Maria Magdalena nang nagkanulo si Judas, nang naghugas ng kamay si Poncio Pilato, at nang kunin ng mga Romano ang mga pako, ngunit isinasakatuparan ng Diyos ang pinakadakilang plano sa lahat—ang iyong kaligtasan (Mga Gawa 4:28)!



Kaya ano nga kaya ang ginagawa ng Diyos sa ating kalagitnaan ngayon? Paanong ginagamit ni Cristo ang bawat impeksyon, ang bawat takot, ang bawat paglihis sa ating mga buhay para sa Kanyang mga plano at layunin? Paano kaya Niya pinag-iisipan ang mga ito . . .


Si Cristo > Corona.



May nakikita akong hindi kukulangin sa sampung mga pagpapala na maaaring ibinibigay sa atin ng Diyos sa daang ito ng coronavirus. Sa mga darating na araw, umaasa akong mabuksan ang mga mata mo upang Siya ay purihin mo kahit dito, kahit ngayon. 


Tungkol sa Gabay na ito

Christ > Corona

Ang coronavirus at ang mga hindi natin alam, ang mga pagkaantala, pagkakansela, at ang social isolation ay matagal pa bago matapos, na nangangahulugang ang mga biyayang gustung-gusto natin ay maaaring hindi natin makikit...

More

Nais naming pasalamatan ang Time of Grace Ministry para sa gabay na ito. Para sa karagdagan impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://timeofgrace.org/welcome-to-time-of-grace/?togipsrc=youversion&togpreselect=1-2

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya