Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Si Cristo > CoronaHalimbawa

Christ > Corona

ARAW 4 NG 11

Pagpapala #3—Tinuturuan Tayo ng Pagdidisipulo ng Pamilya



Hanggang sa pagdating ng Coronavirus, hindi ko matandaang nagkaroon ng panahon ang aking pamilya na kumain ng almusal, tanghalian at hapunan nang sabay-sabay ng isang buong linggo. Ngunit binago iyan ng Corona. Salamat, Corona!



Sa maraming dekada, ang mga pastor at mga pinuno ng mga kabataan ay nananalangin para sa mga ama at ina upang mayakap nila ang ibinigay sa kanila ng Diyos na pagkakatawag bilang pangunahing paraan upang maakay ang susunod na henerasyon patungo kay Jesus. Isinulat ni apostol Pablo, "Mga magulang, huwag kayong gumawa ng mga bagay na ikagagalit ng inyong mga anak. Sa halip, palakihin ninyo sila ayon sa disiplina at katuruan ng Panginoon." (Mga Taga-Efeso 6:4)



Sa ating iskedyul na nakakabaliw dahil sa dami ng kailangang gawin, madalang mangyari iyan. May torneo sa Sabado at Linggo, hanggang hatinggabi sa opisina, at napakaraming okasyong kailangang daluhan, inaasahan nating ang ilang mga sermon kapag araw ng Linggo at dalawang taon sa grupo ng mga kabataan ay pwede na para sa paglago ng pananampalataya ng ating mga anak. Nakakalungkot, tulad ng makikita sa ating kasaysayan, hindi ito uubra. Walang mabilis na daan patungo sa kaharian ng Diyos.



Ngunit dumating ang Corona. Ang mga palaro ay kinansela, ang mga dinadaluhang okasyon ay nabawasan, at ang takbo ng buhay ay naging mabagal. Ang pagsamba kapag Linggo ay itinigil sandali, at ang grupo ng mga kabataan ay inihintong pansamantala ang mga gawain. Naisip mo bang baka pinipilit ng Diyos ang kamay ng mga tatay at pinakikilos ang mga ina upang pag-isipan ang pangwalang-hanggang hinaharap ng kanilang mga minamahal na mga anak?



Kung ang buhay mo ay tila katulad ng sa akin sa ngayon, malamang na may libre kang isa o dalawang oras mula sa mga nakalista mong gagawin. Gamitin ang oras na iyon upang "Ituro sa bata ang daang dapat niyang lakaran," (Mga Kawikaan 22:6). Kung hindi ka isang magulang, ibahagi ang mensaheng ito sa kakilala mong magulang. Bago biglang bumilis na naman ang takbo ng buhay, paalalahanan natin ang isa't-isa na wala nang mas mahalaga pa kaysa sa pagmamahal sa Diyos nang buong puso.



Kung ginagamit ni Jesus ang pandaigdigang pandemya upang ipasa ang baton ng pananampalataya sa susunod na henerasyon, sulit na ang lahat ng ito. Pinatutunayan nito, muli pa, na si Cristo > Corona.


Tungkol sa Gabay na ito

Christ > Corona

Ang coronavirus at ang mga hindi natin alam, ang mga pagkaantala, pagkakansela, at ang social isolation ay matagal pa bago matapos, na nangangahulugang ang mga biyayang gustung-gusto natin ay maaaring hindi natin makikit...

More

Nais naming pasalamatan ang Time of Grace Ministry para sa gabay na ito. Para sa karagdagan impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://timeofgrace.org/welcome-to-time-of-grace/?togipsrc=youversion&togpreselect=1-2

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya