Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Si Cristo > CoronaHalimbawa

Christ > Corona

ARAW 2 NG 11

Pagpapala #1: Tinuturuan Tayo ng Ating Mortalidad


Minsan ay nanalangin si Moises, "Dahil itong buhay nami'y maikli lang na panahon, itanim sa isip namin upang kami ay dumunong." (Mga Awit 90:12) Ang bilang ng mga namamatay araw-araw sa hindi mabilang na mga ulo ng balita ay isang paalala na tayo ay mamamatay. Lahat tayo. Ang iba ay mas maaga, ang iba ay matagal pa. Ang iba ay namamatay dahil sa mga likas na kadahilanan, ang iba naman ay dahil sa malupit na virus na ito. Ngunit ang katotohanang maaari tayong mahawa ng corona at pagkatapos ay maaari nating ikamatay ito ay isang mensaheng kailangan ng marami sa atin. Ang ating mga bakuna laban sa trangkaso at ang pangangalagang pangkalusugan ng mga pinakamauunlad na bansa ay maaaring magbigay ng pakiramdam ng pagiging imortal hanggang ang virus na napakaliit para makita ng mga mata ay isisigaw ang ating kahinaan bilang mga tao. Tayo ay alabok lamang, na siyang pinatutunayan ng bawat araw na lumilipas. (Mga Awit 103:14)


Hindi kataka-taka, sa sumunod na bersikulo, isinigaw ni Moises: "Hanggang kailan pa ba, Yahweh, ang ganitong kalagayan? Parang awa mo na, mga lingkod mo'y iyong tulungan!" (Mga Awit 90:13) Dahil nga sa ating mortalidad, kailangan natin ang awa ng Diyos, na pigilin ang bawat virus at uri ng karahasan na magpapaikli sa ating buhay. Kailangan natin ang Kanyang kahabagan, ang Kanyang kabutihan, at ang Kanyang awa, at kung hindi ay hindi tayo makalalampas dito. Isang walang kaalam-alam na may dala siyang virus ay maaaring umubo ng isang beses at, sa isang hininga, ang buhay mo ay habambuhay na magbabago. Diyos ko, mahabag ka! Maawa ka!


Gayunpaman sa gitna ng lahat ng ito, batid ni Moises kung ano ang talagang kailangan natin. Nalaman niya ang katotohanang pinapalitan ang ating takot ng masayang pananampalataya: "Kung umaga'y ipadama iyong wagas na pag-ibig, at sa buong buhay nami'y may galak ang aming awit." (Mga Awit 90:14)


Ito ang lagi kong panalangin noong panahong ang Corona ay isa pa lamang pangalan ng isang serbesang Mehikano. Sa kasalukuyan, ito pa rin ang dalangin ko, ngunit mas maalab na. Marami nang nawala, ngunit nananatili ang pag-ibig ng Diyos. Ang hindi nagmamaliw na kalikasan ng Kanyang pagmamahal para sa atin ang pinagmumulan ng kagalakan kaya't nakakaawit tayo "sa lahat ng panahon," maging sa nakababaliw na mga panahong ito. Ikaw man ay mortal, ngunit ang pag-ibig ni Jesus na din nagmamaliw, na ipinamalas sa krus, ang susi sa iyong imortalidad.


Kaya't aminin mo na kung gaanong ang iyong buhay ay maaaring biglang matapos. At pagkatapos ay alalahaning sa pamamagitan ni Jesus, ang buhay mong kasama ang Diyos ay hindi matatapos kailanman. 


Dahil si Cristo > Corona.



Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Christ > Corona

Ang coronavirus at ang mga hindi natin alam, ang mga pagkaantala, pagkakansela, at ang social isolation ay matagal pa bago matapos, na nangangahulugang ang mga biyayang gustung-gusto natin ay maaaring hindi natin makikit...

More

Nais naming pasalamatan ang Time of Grace Ministry para sa gabay na ito. Para sa karagdagan impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://timeofgrace.org/welcome-to-time-of-grace/?togipsrc=youversion&togpreselect=1-2

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya