Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Si Cristo > CoronaHalimbawa

Christ > Corona

ARAW 5 NG 11

Pagpapala #4—Tinuturuan Tayo ng Pasasalamat



"WALA akong ni katiting na ideya kung paano napangangasiwaan ng asawa mo [ang anak ko]sa loob ng limang araw sa isang linggo!”



Iyon ay isang mensahe na ipinadala sa akin ngayon ng isang kasama ko sa iglesia. Ang asawa ko ay nagtuturo sa 28 maliliit na bata sa preschool ng iglesia sa loob ng siyam na buwan ng buong taon. Samantala, ang nanay na ito, pagkalipas pa lamang ng siyam na araw kasama ang ilan sa kanyang mga anak, ay nagsusumikap na hindi masiraan ng bait. At hindi siya nag-iisa rito!



Napansin ko ang maraming pasasalamat nitong mga nakaraang mga araw. Pasasalamat sa mga gurong mahimalang nakukuha ang atensyon ng dose-dosenang mga estudyante sa iisang panahon. Pasasalamat sa mga doktor at narses at mga teknisyan na nag-aalaga sa mga maysakit, at inilalagay ang sarili nilang kalusugan sa peligro. Pasasalamat sa mga nagtatrabaho sa mga pamilihan nang higit sa kanilang oras upang masiguradong may laman ang mga istante ng mga sariwang gulay at mga toilet paper.



Marahil ay binubuksan ng Corona ang ating mga mata upang makita ang mga sakripisyong hindi napapansin sa loob ng maraming taong lumipas. Inawit ni Haring David, "Si Yahweh ay papurihan, O aking kaluluwa, at huwag mong kaliligtaan, mabubuti niyang gawa... ." (Mga Awit 103:2) Ayaw ni David na makalimutan ng kanyang kaluluwa ang mga mabubuting gawa at biyaya na pinadaloy ng Diyos sa kanyang buhay. Ayaw din ng ating Ama na ito ay makalimutan natin.



Kaya't tumingin tayo sa ating paligid ngayon at tingnan ang kanilang mga sakripisyo. Palitan natin ang ating mga likas na pagiging mapanuri ng walang tigil na pasasalamat para sa mga taong naglilingkod sa atin araw-araw. Marami sa atin ang nagiging mapaghanap sa mga kamalian na makikita sa bahagi ng mga komento. Marahil ay ginagawa tayo ng corona na mapagbigay-ng-papuri.



Kung iyan ay totoo, magiging patunay ito na si Cristo > Corona.


Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Christ > Corona

Ang coronavirus at ang mga hindi natin alam, ang mga pagkaantala, pagkakansela, at ang social isolation ay matagal pa bago matapos, na nangangahulugang ang mga biyayang gustung-gusto natin ay maaaring hindi natin makikit...

More

Nais naming pasalamatan ang Time of Grace Ministry para sa gabay na ito. Para sa karagdagan impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://timeofgrace.org/welcome-to-time-of-grace/?togipsrc=youversion&togpreselect=1-2

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya