Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Si Cristo > CoronaHalimbawa

Christ > Corona

ARAW 7 NG 11

Pagpapala #6—Tinuturuan Tayo ng Kabutihang-loob



Ang taong 2020 sa tingin ko ang magbibigay ng pinakamabagal na paghahagis para sa mga simbahang Cristiano nitong mga nagdaang panahon. Ang mga panalangin natin para sa pagbabalik-loob ay maaaring masagot kung ating ibubukas ang mga bakod.



Anong tinutukoy ko? Pananalapi.



Kung ang kasalukuyang sitwasyon ng ekonomiya ay lalo pang magiging masama, ang buhay pananalapi ng mga tao ay papabagsak na. Ang mga hanapbuhay ay mababawasan. Ang pagdaloy ng kinikita ay matutuyo. Ang mga negosyo ay magsasarado. Noong huling beses na tiningnan ko ang grapiko ng Dow Jones, parang may batong inihulog mula sa gilid ng Grand Canyon.



At maaaring iyan ang ating pagkakataon. Kung pinagtitiwalaan natin ang ating Tagapagtustos, magsusumikap tayo, at isasakripisyo ang ating mga gusto kapalit ng ating mga pangangailangan, lalong magliliwanag ang tanglaw ng ating iglesia. Ang lumang paglalarawan ng simbahang nais lang ng pera ay mawawala sa oras na ang iglesia ay magbigay sa mga nangangailangan. 



Ito rin ang ipinangaral ni Pablo habang hinihikayat niya ang mga Cristianong taga-Corinto na magbigay: "...Ang bukás-palad ninyong pagbibigay sa kanila at sa lahat ang siyang magpapatunay na matapat ninyong sinusunod ang Magandang Balita ni Cristo. Dahil diyan, magpupuri sila sa Diyos." (2 Mga Taga-Corinto 9:13)



Tinatanggap natin ang Ebanghelyo ni Jesu-Cristo, ang mabuting balita ng Diyos na ibinigay ang Kanyang kaisa-isang anak, ang Kanyang Anak na ibinigay ang Kanyang kaisa-isang buhay para sa ating mga kasalanan. Paano kung sasamahan natin ang ating pananampalataya sa ating mapagbigay na Panginoon ng isang masaganang kaloob sa ating pamayanan?



Sa wakas ba ay makikinig ang mga tao sa Ebanghelyong ating ipinapangaral? Ang mga pader ba nila ay bababa upang sila ay makarinig? Mapipilitan ba silang isuko ang kanilang mga pagtutol at bibigyan ba nila ng pagkakataon ang iglesia? Magtatanong ba sila ng "Bakit?"



Kung kahit isang tao ang makakarinig patungkol sa krus, hindi ba sulit na ito? Ito ay isang katibayan, muli, na si Cristo > Corona.


Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Christ > Corona

Ang coronavirus at ang mga hindi natin alam, ang mga pagkaantala, pagkakansela, at ang social isolation ay matagal pa bago matapos, na nangangahulugang ang mga biyayang gustung-gusto natin ay maaaring hindi natin makikit...

More

Nais naming pasalamatan ang Time of Grace Ministry para sa gabay na ito. Para sa karagdagan impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://timeofgrace.org/welcome-to-time-of-grace/?togipsrc=youversion&togpreselect=1-2

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya