Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Ang Pag-asa ng PaskoHalimbawa

The Hope Of Christmas

ARAW 10 NG 10

Ang Mabuting Balita ng Pasko



Basahin ang 1 Timoteo 2:5.



Ang Pasko ay puno ng mabubuting balita. Ngunit hindi ito ang mabuting balita ng mga espesyal na regalo. Hindi ang mabuting balita ng isang malaking salu-salo. Hindi rin ang mabuting balita ng pagkakaroon ng oras para sa mga kaibigan at kapamilya.



Ang Pasko ay tungkol sa Mabuting Balita ng pag-ibig ng Diyos.



Sinasabi ng Biblia na lahat tayo ay naliligaw kung wala ang Diyos. Wala tayong patutunguhan. Tayo ay walang proteksyon. Ang ating potensyal na walang hanggang epekto sa mundo ay hindi maisasakatuparan. Wala tayong tunay na kagalakan. Hindi tiyak kung magkakaroon tayo ng walang hanggan sa kalangitan.



Ang Mabuting Balita ng Pasko ay ang pagpapadala ng Diyos ng kanyang anak na si Jesus upang hanapin at iligtas ang mga nawawala. Sinasabi ng Biblia, "Sapagkat iisa ang Diyos, at tanging si Jesu-Cristo lamang ang taong tagapamagitan sa atin at sa Diyos. Inihandog niya ang kanyang buhay upang tubusin ang lahat mula sa kasalanan." (1 Timoteo 2:5-6 RTPV05).



Kung sakaling nakakapaglaan ka ng oras sa simbahan, malamang ay ilang ulit mo nang naririnig ang salitang "kaligtasan." Ngunit maaaring hindi mo alam ang kahulugan nito. Ang salitang ito ay parang diamante; maaari mo itong tingnan mula sa iba't-ibang anggulo.



• Dumating si Jesus upang sagipin tayo. Hindi natin malulutas ang lahat ng problema natin nang tayo-tayo lang. Kung wala si Jesus, tayo ay nakakulong sa mga inaasahan ng ibang tao. Tayo ay nakakulong sa pamumuhay para sa pagtanggap ng ating mga kaibigan. Tayo ay nakakulong sa mga adiksyon. Sinisikap nating magbago nang paulit-ulit, ngunit wala tayong lakas na kinakailangan upang makawala. Dumating si Jesus upang bigyan tayo ng lakas na iyon.



• Dumating si Jesus upang muli tayong buhayin. Lahat tayo ay nangangarap na buhayin ang mga bahagi ng buhay natin na nawala na. Kapag wala si Cristo, nangangarap tayong mapanumbalik ang ating lakas, ang ating kumpiyansa, reputasyon, kamusmusan, at ang ating pakikipag-ugnayan sa Diyos. Tanging si Jesus lamang ang makagagawa noon.



• Dumating si Jesus upang muli tayong ibalik sa Kanya. Ipinapalagay ng maraming tao na pagagalitan sila ng Diyos kapag bumalik sila sa Kanya. Ngunit hindi galit ang Diyos sa iyo. Siya ay labis na nagmamahal sa iyo. Dumating sa mundo si Jesus noong unang Pasko upang ipagkasundo tayo sa Diyos, bigyan tayong muli ng pagkakaisa sa Kanya.



Dumating sa mundo si Jesus upang ibigay ang Kanyang sarili. Marami sa atin ang nagdiriwang ng kanyang kaarawan nang hindi tinatanggap ang libreng regalo ng kaligtasan. Bukas at nananatili itong hindi nakabalot sa bawat taong lumilipas. Hindi iyan matalinong pagpili! Ikaw ay nilikha ng Diyos at para sa Diyos. Hanggang hindi mo nauunawaan yan, mananatiling walang saysay ang buhay.



Ngayong Pasko, buksan ang pinakamahalagang regalong ibinigay sa iyo: isang panibagong pakikipag-ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ni Jesus.

Banal na Kasulatan

Araw 9

Tungkol sa Gabay na ito

The Hope Of Christmas

Para sa maraming tao, ang Pasko ay nagiging isang mahabang listahan ng mga dapat gawin na nakakapagod kaya ninanais nilang sana ay ika-26 na kaagad ng Disyembre. Sa serye ng mga mensaheng ito, nais ni Pastor Rick na tulu...

More

Ang debosyonal na ito ay nilikha © 2014 ni Rick Warren. All rights reserved. Ginamit nang may pahintulot.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya