Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Ang Pag-asa ng PaskoHalimbawa

The Hope Of Christmas

ARAW 6 NG 10

Huwag Kaligtaan si Jesus Ngayong Pasko



Basahin ang Lucas 10:41-42.



Gusto natin na ang ating mga buhay ay punong-puno ng kung anu-anong mga bagay. Mahilig tayo sa sobrang paggastos, sobra sa pagtantiya, at kadalasan ay nakikita natin ang mga sariling naglalakad nang patang-pata. Bunga nito, nawawalan ng pagkakataong mamulaklak ang katotohanan ng Diyos sa ating mga buhay.



Madalas ay tinuturuan ka ng Diyos ng isang mahalagang aral — marahil sa iyong pag-aaral ng Biblia sa umaga o sa sermon kapag Linggo — at sa tingin mo ay may kailangan kang gawin tungkol dito, ngunit ilang saglit lang ay agad itong natatabunan at nakakalimutan.



Ang katotohanan ay hindi natatabunan sa iyong buhay dahil sa kasamaan. Madalas, ang mga magagandang bagay sa ating buhay ang nakakalunod sa katotohanang gustong itanim sa atin ng Diyos. Upang tuparin ang kalooban ng Diyos para sa iyong buhay, malamang ay hindi mo kailangang gumawa nang higit pa; kailangan mong gumawa nang mas kaunti.



Tingnan natin ang halimbawa ng mga kaibigan ni Jesus na sina Maria at Marta. Isang araw ay inimbita nila si Jesus upang maghapunan sa kanila. Buong gabi ay nakinig lamang si Maria kay Jesus. Si Marta naman, sa kabilang banda, ay abalang-abala sa pagiging punong-abala at nag-aalala tungkol sa pagkain at kung lahat ba ay nasa ayos.



HIndi natuwa si Marta na siya lamang ang gumagawa ng lahat ng mga gawain habang ang kanyang kapatid naman ay nakaupo lamang kasama si Jesus. Kaya sinabi sa kanya ni Jesus: "Marta, Marta, nababalisa ka at abalang-abala sa maraming bagay, ngunit iisa lamang ang talagang kailangan. Mas mabuti ang pinili ni Maria at ito'y hindi aalisin sa kanya" (Lucas 10:41b-42 RTPV05).



Kapag natapos na ang iyong buhay, isang bagay lamang lang ang mahalaga: Nakilala mo ba ang Anak ng Diyos? Hindi magiging mahalaga ang mga sobrang regalo na iyong nabili nang dahil sa labis mong pagtatrabaho. Kahit ang lahat ng oras na iyong ginugol sa pagluluto ng napakasarap na handa ay hindi magiging mahalaga. Ngunit ang oras na ginugol mo upang makilala si Jesus, iyon ang magiging mahalaga sa mahabang panahon.



Kaya't magsaya sa Kapaskuhan. Balutin ang mga regalo. Ihanda ang iyong tahanan nang may kasiyahan. Gumawa ng mga ala-ala kasama ang iyong pamilya. Ngunit huwag hayaang matapos ang Kapaskuhang ito nang hindi naglalaan ng panahon sa paanan ni Jesus. Kapag ang lahat ay lumipas na mula sa Kapaskuhang ito, ang mananatili lamang ay ang pagsamba kay Jesus.

Banal na Kasulatan

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

The Hope Of Christmas

Para sa maraming tao, ang Pasko ay nagiging isang mahabang listahan ng mga dapat gawin na nakakapagod kaya ninanais nilang sana ay ika-26 na kaagad ng Disyembre. Sa serye ng mga mensaheng ito, nais ni Pastor Rick na tulu...

More

Ang debosyonal na ito ay nilikha © 2014 ni Rick Warren. All rights reserved. Ginamit nang may pahintulot.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya