Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Ang Pag-asa ng PaskoHalimbawa

The Hope Of Christmas

ARAW 9 NG 10

Ano ang Kahulugan ng Maligaw



Basahin ang mga bersikulo para sa araw na ito.



Kung hindi mo nauunawaan ang layunin ng Pasko, mabuti pa sigurong huwag ka nang magsabit ng mga Christmas lights at iba pang dekorasyon ngayong taon. Siguro ay makabubuti rin na kalimutan mo ang tungkol sa pagbili ng mga regalo. Kalimutan mo na rin ang Noche Buena.



Kung hindi mo alam kung bakit ipinagdiriwang natin ang Pasko, walang saysay ang lahat ng paghahanda.



Upang malaman ang layunin ng Pasko, kailangan mong lagpasan ang tagpo sa sabsaban, ang Mga Pantas, at ang mga pastol. Sinabi sa atin ni Jesus na ang dahilan ng pagpunta niya sa lupa noong unang Pasko: "Ang Anak ng Tao ay naparito upang hanapin at iligtas ang naligaw." (Lucas 19:10 RTPV05).



Napakasimple, naparito si Jesus dahil walang landas ang mga tao kapag wala ang Diyos. Ang espiritwal na pagkaligaw ay nangangahulugang pagkawalay sa Diyos, hindi naka-ugnay at wala sa kaayusan. Kapag wala si Jesus, ang lahat ng tao sa mundo ay naliligaw — kahit gaano pa sila kamakapangyarihan, kayaman at katanyag.



At ang pagkaligaw natin ay may matitinding pagsasanga sa ating mga buhay. Upang malaman kung bakit naparito si Jesus sa mundo, kailangan nating maunawaan ang kahulugan ng pagkaligaw. Kung walang Diyos, wala rin tayong:



• Direksyon. Tayo ay nagkakaroon ng maliit na pang-unawa kung saan tayo tutungo at kung ano ang dapat nating gawin sa ating buhay.

• Proteksyon mula sa Kanya. Tayo ay nag-iisa kapag hindi tayo sakop ng pangangalaga ng Panginoon. Iyan ang isang malaking dahilan kung bakit maraming tao ang nakararanas ng stress. Sinusubukan nilang mamuhay na umaasa lamang sa sarili nilang pag-aalaga at pag-iingat, kaysa sa nagmumula sa Diyos.

• Potensyal. HIndi natin lubusang mababatid ang kalahati sa mga kaloob at talentong mayroon tayo kung hindi tayo nakaugnay sa Kanya.

• Kaligayahan. Maaari nating makamit ang lahat ng yaman at kapangyarihan sa mundo, ngunit kapag wala ang Diyos, hindi tayo magkakaroon ng tunay na kasiyahan.

• Tahanan sa Langit. Pinapayagan ng Diyos na magrebelde tayo habang nandito pa tayo sa lupa, ngunit sa langit ay wala nang paghihimagsik.



Ngunit walang sinumang naliligaw ang nawalan ng ni katiting na halaga sa Diyos. Kahit na wala kang pakikipag-ugnayang personal sa Kanya, labis-labis ang halaga mo sa Diyos. May kaakibat na halaga ang pagkawala. Anumang halagang handang gastusin ng sinuman para mabawi ang isang nawala ay nagpapakita kung gaano kahalaga ang bagay na iyon.



Sa pinakasikat na bersikulo sa Biblia, malinaw na ipinaliwanag ni Jesus ang ating halaga: "Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan." (Juan 3:16).



Ang Mabuting Balita ay sa labis na pag-ibig sa atin ng Diyos ay isinugo Niya ang kanyang Anak sa mundo noong unang Pasko upang tayo ay hanapin at iligtas. Iyan ang dahilan upang magdiwang!

Banal na Kasulatan

Araw 8Araw 10

Tungkol sa Gabay na ito

The Hope Of Christmas

Para sa maraming tao, ang Pasko ay nagiging isang mahabang listahan ng mga dapat gawin na nakakapagod kaya ninanais nilang sana ay ika-26 na kaagad ng Disyembre. Sa serye ng mga mensaheng ito, nais ni Pastor Rick na tulu...

More

Ang debosyonal na ito ay nilikha © 2014 ni Rick Warren. All rights reserved. Ginamit nang may pahintulot.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya