Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Ang Pag-asa ng PaskoHalimbawa

The Hope Of Christmas

ARAW 3 NG 10

Ang Pamaskong Listahan ni Jesus



Basahin ang mga bersikulo para sa araw na ito.



Sa mahigit na 50 taon ay naging tradisyon na ng pamilya naming magkaroon ng handaan para sa kaarawan ni Jesus. Nagsimula ito noong ako ay tatlong taon pa lamang at nagtanong sa aking nanay, "Ano ang Pasko?" Sinabi sa akin ni nanay na ito ay kaarawan ni Jesus. Dala ng nakakatuwang pag-iisip ng isang 3-taong bata, sinabi ko, "Dapat mayroon tayong handaan!" At ginawa namin ito, mayroong birthday cake, Kool-Aid, kantahan, pagkain, at mga kandila.



Pinanatili namin ang tradisyong ito sa loob na ng apat na henerasyon. Ang birthday party para kay Jesus ay naging isang sagradong panahon kung saan binabasa namin ang kuwento ng Pasko at ibinabahagi ang mga bagay na ipinagpapasalamat namin, at kung ano ang regalo namin kay Jesus, na isa sa pinaka di-malilimutang bahagi ng aming pagdiriwang.



Kadalasan, naisasantabi si Jesus tuwing Pasko. Isipin mong nagplano ako ng isang handaan para sa iyo at marami akong inimbitang mga tao. Bawat isa ay may dalang maraming regalo, at ang mga imbitado ay nagpalitan ng mga regalo — at wala kang nakuha.



Iyan ang Pasko. Nagbibigay tayo ng regalo sa lahat ng tao, pero hindi kay Jesus. Pero maging tapat tayo — ano ang ibibigay mo sa Diyos na mayroon na ng lahat ng bagay?



Sa katunayan, wala kay Jesus ang lahat. May apat na bagay na wala sa Kanya kung hindi mo ibibigay ang mga ito ngayong Pasko:



Ibigay mo sa kanya ang iyong pagtitiwala. Ang pananampalataya ay kusang-loob. Hindi magiging kay Jesus ang pagtitiwala mo kung hindi mo ito ibibigay sa Kanya. Hindi niya ito kailanman ipinipilit.



Gawing una si Jesus sa buhay mo. Kung may isang bagay o tao bukod kay Jesus na pinakamahalaga sa buhay mo, ito ay isang diyos-diyosan o idolo. Ngayong Pasko, piliin mong unahin si Jesus kaysa sa iyong mga pananalapi, interes, pakikipag-ugnayan, nakatakdang gawain — kahit sa iyong mga alalahanin.



Ibigay mo ang iyong puso kay Jesus. Ang puso mo ay kung ano ang iniibig mo, pinahahalagahan, at pinaka pinagtutuunan ng pansin. Sinabi ni Jesus, "Sapagkat kung nasaan ang inyong kayamanan ay naroon din ang inyong puso" (Lucas 12:34 RTPV05). Isang mahalagang paraan ng pagbibigay ng puso mo kay Jesus ngayong Pasko ay sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanyang gawain. Hindi ang pera mo ang kailangan ni Jesus, kundi ang kinakatawan nito — ang puso mo.



Ilapit ang mga tao kay Jesus. Higit sa anupaman, nais ng Diyos ng pamilya ngayong Pasko. Nais Niya ng mga anak na piniling mahalin at pagtiwalaan Siya. Ito ang dahilan kung bakit natin ipinagdiriwang ang Pasko. Mag-anyaya ng isang tao patungo kay Jesus ngayong Pasko. Magkuwento sa isang tao kung ano ang mga nagawa ni Jesus sa buhay mo.



Sinasabi sa atin ng Biblia na hindi mga tira-tira ang inihandog ng Mga Pantas kay Jesus noong dalawin nila Siya noong unang Pasko, kundi nagbigay sila ng tatlong mahahalaga at mamahaling mga regalo: "Nagpatirapa sila at sinamba ang bata. Inihandog din nila sa kanya ang mga dala nilang ginto, insenso at mira." (Mateo 2:11 RTPV05).



Sa pagbigay mo kay Jesus ng iyong pagtitiwala, gawin mo Siyang una sa buhay mo, magbigay sa Kanyang gawain, magdala ng ibang tao sa Kanya, at nagbibigay ka ng mga regalong higit pa sa mga ibinigay ng Mga Pantas.



Kaya batiin si Jesus ng "maligayang kaarawan" ngayong Pasko. Ibigay sa Kanya ang pinakamainam mula sa iyo.

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

The Hope Of Christmas

Para sa maraming tao, ang Pasko ay nagiging isang mahabang listahan ng mga dapat gawin na nakakapagod kaya ninanais nilang sana ay ika-26 na kaagad ng Disyembre. Sa serye ng mga mensaheng ito, nais ni Pastor Rick na tulu...

More

Ang debosyonal na ito ay nilikha © 2014 ni Rick Warren. All rights reserved. Ginamit nang may pahintulot.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya