Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Ang Pag-asa ng PaskoHalimbawa

The Hope Of Christmas

ARAW 2 NG 10

Sulit ang Paglalakbay kay Jesus



Basahin ang Mateo 2:1.



Ang paghahanap sa katotohanan ay hindi isang panandaliang gawain lamang. Kailangan mong ibigay ang lahat ng mayroon ka sa paghahanap mo nito. Ito ang itinuro sa atin ng Mga Pantas sa kwento ng Pasko.



Handa ang mga Pantas na maglakbay kahit gaano kalayo upang masumpungan ang katotohanan. Isinasaad sa Mateo 2:1, "Nang siya'y isilang, may mga matatalinong taong mula pa sa silangan ang dumating sa Jerusalem" (RTPV05). Masasabi nating milya-milya ang nilakbay ng Mga Pantas mula sa Dulong Silangan patungong Gitnang Silangan upang hanapin si Jesus.



Si Jesus ay ipinanganak sa Bethlehem, na anim na milya lamang ang layo mula sa Jerusalem. Noong panahon ng kapanganakan ni Jesus, ang Jerusalem ang sentro ng espiritwalidad ng mundo. Lahat ng uri ng gawaing espiritwal ay doon nagaganap sa Jerusalem. Lahat ng mga pangunahing pinunong relihiyoso ng mundo ay nasa Jerusalem, ngunit walang sinuman sa kanila ang naghahanap kay Jesus. Tanging mga taong taga-labas — ang Mga Pantas na mula sa ganap na ibang kultura — ang naghahanap kay Jesus.



Hindi natagpuan ni Haring Herodes ang sanggol na si Jesus. Gayundin ang mga negosyanteng pinuno ng Bethlehem. Ikaw rin ay maaaring nakakasalamuha mo na si Jesus ngunit hindi mo Siya natatagpuan kung hindi mo naman Siya hinahanap.



Ngunit ang Mga Pantas ay hinanap si Jesus. Niloob nilang maglakbay ng apat hanggang limang buwan sa napakainit na disyerto para matagpuan si Jesus. Seryoso sila sa paghahanap sa Diyos. Handa nilang gawin ang lahat ng dapat gawin para lamang matagpuan Siya.



Iyon ay katalinuhan. Gayundin ang dapat nating gawin. Hindi natin maaaring hayaang mayroong humadlang sa paghahanap natin sa Diyos. Iyon ang pinakamahalagang tagumpay na maaaring makamit sa mundo.



Sinabi ni Jesus na ang Kaharian ng Langit ay tulad ng isang perlas na mamahalin na ipagbibili natin ang lahat ng mayroon tayo para lamang makamtan ito. Tila ang Mga Pantas ay matagal nang naunawaan ito bago pa man sinabi ni Jesus ang talinhaga.



Handang talikdan ng Mga Pantas ang lahat ng mayroon sila upang sambahin si Jesus. Handa nilang iwanan ang kanilang mga komportableng pamumuhay para sa isang mahaba at mahirap na paglalakbay sapagkat mayroon silang tamang motibo sa paghahanap kay Jesus. Nais nilang sambahin Siya.



Ano ang mga bagay na iyong isusuko para sambahin si Jesus?

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

The Hope Of Christmas

Para sa maraming tao, ang Pasko ay nagiging isang mahabang listahan ng mga dapat gawin na nakakapagod kaya ninanais nilang sana ay ika-26 na kaagad ng Disyembre. Sa serye ng mga mensaheng ito, nais ni Pastor Rick na tulu...

More

Ang debosyonal na ito ay nilikha © 2014 ni Rick Warren. All rights reserved. Ginamit nang may pahintulot.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya