121 AdbiyentoHalimbawa

Pagtatapos sa Adbiyento
Inaasahan namin na ang panahon na ito ng Adbiyento ay minarkahan ng kasaganahan ni Cristo at ng pag-ibig, kagalakan, kapayapaan at pag-asa na idinulot ng Kanyang pagdating. Bagaman dinaanan natin ang bawat isa sa mga ito, ang kanilang kahulugan, dahilan at pinagmulan, Siya ang palagiang sinulid sa bawat isa. Siya ang perpektong pagpapakita at pag-asa ng kanilang pag-iral sa ating buhay at sa ating mundo. Ang ating pagtuon ay nararapat na sa Kanya, hindi lamang sa panahong ito sa kalendaryo, kundi sa bawat panahon.
Basahin ang ilan sa mga talata na kapansin-pansin sa iyo ng mga nakaraang linggo. Pagnilayan ang ilan sa mga katotohanan kung saan ang Kanyang Espiritu ay nagbigay ng kaunawaan.Ibahagi ang kuwento ni Cristo sa isang tao na hindi nakakakilala sa Kanya o ipaalala sa isang taong nakakakilala ang Mabuting Balita ng Kanyang pagdating. Pagnilayan ang karakter ng Diyos, na pinili Niya na magdala ng kaligtasan sa atin sa pamamagitan ni Cristo. Ipanalangin ang iyong puso na manahan nang panatag sa Kanyang pag-asa, Kanyang kapayapaan, Kanyang kagalakan at Kanyang pag-ibig. Ipanalangin ang iyong pamilya, mga kaibigan at ang iyong mundo, malayo man o malapit.
Mga Mag-anak na May Maliliit na Anak
MGA BATA, Tandaan na ang panahon ng Adbiyento ay tungkol sa paghihintay sa pagdating ni Jesus. Kay ganda na Siya ay dumating sa lupa bilang isang sanggol, mas higit pa na ang Kanyang layunin sa pagparito ay natupad pagkatapos ng maraming mga taon sa krus.
Basahin ang Juan 3:16. MGA BATA, Iyon marahil ay napakapamilyar na talata sa marami sa inyo. Ano ang alam ninyong totoo mula sa talata? Sino ang minamahal ng Diyos? Paano Siya kumilos sa pagmamahal na iyon? Ano ang maaari mong gawin bilang tugon sa Kanyang pagmamahal?
MGA BATA, Gumugol ng ilang oras sa panalangin na nagpapasalamat sa Diyos na Siya ay pag-asa, kagalakan, kapayapaan, at pag-ibig. Pasalamatan si Jesus sa pagparito sa lupa bilang isang mapagpakumbabang sanggol at sa huli ay nagtungo sa krus upang mamatay para sa ating kasalanan at naging sakripisyo upang tayo ay magkaroon ng relasyon sa Diyos. Hilingin sa Diyos na tulungan kang magpakita ng pag-asa, kagalakan, kapayapaan, at pag-ibig sa iba.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang kapanganakan ni Cristo, ang Kanyang adbiyento, ay tanda ng sukdulang plano ng Diyos para sa ating katubusan. Kay Cristo, makikita natin ang pinakabuong larawan ng pag-asa, kapayapaan, kagalakan at pag-ibig ng Diyos. Ang Salita ng Diyos ay ang katotohanan kung saan alam natin at lumalakad tayong kasama Siya araw-araw. Inaasahan namin na ang gabay na ito ay maghihikayat at makakatulong sa personal na oras na paggugol sa Salita at magbigay ng isang kasangakapan para sa mga pamilya na may mga anak na gawin iyon nang sama-sama.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Ang Kabutihan Ng Panginoon Sa Psalm 103

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan

Nagsasalita Siya Sa Atin

Dayuhan Tayo Sa Mundo

God Is With You

Buhay Si Jesus!

Series Name Ang Bible: Love Letter Ni Lord

The Cross | Ang Krus at ang Kahulugan Nito sa Naliligaw na Sangkatauhan

Mag One-on-One with God
