Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

121 AdbiyentoHalimbawa

121 Advent

ARAW 19 NG 24

Paano Natin Ipamumuhay Ang Kagalakan sa Mundo?

Tinatawag tayo ni Jesus na gawing disipulo ang lahat ng mga bansa, bautismuhan sila, at turuan silang sundin ang lahat ng Kanyang iniutos (Mateo 28:19-20). Hindi naman nangangahulugan ito na tinatawag ka Niya upang pisikal na maglakbay sa buong mundo para gawin ito (kahit na maaaring mangyari iyon), kundi binibigyan diin nito na si Jesus ay para sa lahat at ang misyon ay para sa lahat ng ating makakatagpo.

Ang pag-ibig ng Diyos ay para sa buong mundo at bawat isa ay may pagkakataon na maniwala kay Jesus at hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan (Juan 3:16).

Habang tayo ay namumuhay at nahaharap sa mga pagkakataong ibahagi ang Ebanghelyo at mahalin ang isa't isa, tayo ay may Banal na Espiritu para gabayan at turuan tayo sa bawat hakbang na tatahakin. Alam natin na pagkatapos ng araw, anuman ang ating hingin sa ngalan ng ating Panginoon, ating matatanggap at mapupuno ang ating kagalakan (Juan 16:24).

Ibig sabihin nito ay makakaya nating sundin nang may kagalakan si Jesus at paglingkuran ang iba dahil ito ang dahilan kung bakit Niya tayo tinatawag. Tanging ang Diyos lamang ang makakagawang baguhin ang mga puso at dalhin ang mga tao sa Kanya. Ang tanging ninanais Niyang gawin natin ay maging tapat sa pagkakalat ng mensahe ng Ebanghelyo at sa pagmamahal sa iba. Sa madaling salita, tayo ay nagmamahal dahil una Niya tayong minahal (1 Juan 4:19). Kung kaya ginagawa natin ang kahit ano, dahil ginawa na ni Jesus ang lahat.

Mga Pamilya Na May Mga Bata

Basahin ang Mateo 28:19-20. MGA BATA, Ano ang sinasabi ng bersikulong ito? (gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng bansa) At ano ang pangako para sa atin sa bersikulo 20? (na lagi nating makakasama ang Diyos) May malaking kagalakan sa pagsasabi sa iba tungkol sa magandang balita ng malaking kagalakan(Lucas 2:10-11)!

MGA BATA, sa isip ko ay isa sa mga mabubuting paraan upang ipakita sa iba ang pagmamahal ni Jesus ay ang pagpili na maging masayahin. Marahil ito ay sa pamamagitan ng paglilinis ng iyong kuwarto o pagtulong sa bahay nang may mabuting ugali, nang hindi inuutusan. Marahil ito ay sa paraan ng pagtrato sa ibang tao, tulad ng iyong kapatid, o sa mga bata sa iyong kapitbahayan, o sa iyong mga guro at mga coach. Marahil ito ay sa pamamagitan ng pagtitiwala sa Diyos anuman ang mangyari, kahit na ang mga bagay sa paligid mo ay nakakatakot o hindi mo na maintindihan. Nakikita ng ibang mga tao ang kagalakang ito sa iyo, at nakikita nila na si Jesus ay may ginagawang mga dakilang bagay sa iyong buhay. Maaaring tanungin ka nila, "Bakit ka namumuhay nang ganyan?” At magkakaroon ka ng pagkakataong sabihin sa kanila na, "Dahil ipinadala ng Diyos ang Kanyang anak para sa iyo at para sa akin, at gusto kong malaman ito ng lahat." Ito ay nakapakagandang kuwento na talagang kailangan mong ibahagi!

MGA BATA, Tayo ay maaaring magkaroon ng kagalakan ngayong panahon ng Adbiyento dahil ang kuwento ng Diyos ay para sa lahat at ang pagbabahagi ng kuwento ng Diyos ay isa sa mga pinakakahanga-hangang bagay na magagawa mo! Bakit hindi mo kaya subukan ngayong linggo? Maghanap ng isang taong mababahagihan mo ng magandang balita ng malaking kagalakan.

Tungkol sa Gabay na ito

121 Advent

Ang kapanganakan ni Cristo, ang Kanyang adbiyento, ay tanda ng sukdulang plano ng Diyos para sa ating katubusan. Kay Cristo, makikita natin ang pinakabuong larawan ng pag-asa, kapayapaan, kagalakan at pag-ibig ng Diyos. Ang Salita ng Diyos ay ang katotohanan kung saan alam natin at lumalakad tayong kasama Siya araw-araw. Inaasahan namin na ang gabay na ito ay maghihikayat at makakatulong sa personal na oras na paggugol sa Salita at magbigay ng isang kasangakapan para sa mga pamilya na may mga anak na gawin iyon nang sama-sama.

More

Nais naming pasalamatan ang 121 Community Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: http://121cc.com/