Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

121 AdbiyentoHalimbawa

121 Advent

ARAW 18 NG 24

Paano Natin Ipamumuhay ang Kagalakan Kasama ang Iba?

Habang sinusunod natin si Jesus at natututunang personal na ipahayag ang ating kagalakan, binibigyan din tayo ng Diyos ng mga relasyon kung saan ipamumuhay natin ang kagalakan.

Lahat tayo ay may mga relasyon sa ating paligid. Mayroon tayong mga kapamilya, mga kaibigan, mga kapitbahay, mga ka-trabaho, at kahit na mga estranghero. Anuman ang kanilang relasyon sa atin, may mga partikular na taong inilalagay ng Diyos sa ating mga buhay para sa isang dahilan, at tayo ay tinatawag na ipahayag ang kagalakang natin sa kanila dahil sa ginawa ni Jesus para sa atin.

Ilang halimbawa nito ay ang pagkakaroon natin ng kagalakan sa ating mga relasyon sa pamamagitan ng pagmamahal na mabuti sa iba (1 Mga Taga-Corinto 13:7), ang magalak sa pagsasanay sa mga batang inilagay ng Diyos sa ating buhay(Mga Kawikaan 22:6), o ang pagpaparangal sa mga magulang nang may kagalakan (Exodo 20:12).

Habang sinusunod natin si Jesus at minamahal ang iba, tayo ay may hindi kapani-paniwalang pagkakataong bigyang sigla ang kalooban ng mga hinirang ng Diyos (Filemon 1:7) at magkaroon ng malaking epekto sa mga taong hindi pa Siya kilala sa pamamagitan ng pagmamahal natin sa kanila at sa hindi paggawa ng mali sa kanila (Mga Taga-Roma 13:10). Isang malaking kagalakan at pribelehiyo na bigyan tayo ng Diyos ng mga taong ating paglilingkuran. Nakikita Niyang tayo ay karapat-dapat na magdala ng magandang balita ng Ebanghelyo sa maraming tao at binigyan pa tayo ng Banal na Espiritu para magawa ito!

Para Sa Mga Pamilyang May Maliliit na Mga Bata

Basahin ang Filemon 1:7. MGA BATA, Ano ang mga paraan upang maipamuhay natin ang kagalakan na nagmumula sa pagiging pag-aari ng Diyos sa mga taong nasa paligid natin? Ano ang sinasabi ng bersikulong ito na maaaring mangyari kapag ibinahagi natin ang ating kagalakan sa iba? (maaari nitong mapasigla ang kalooban ng mga anak ng Diyos)

Basahin ang Mateo 2:1-12. MGA BATA, Ano ang ginawa ng mga matatalinong tao nang makita nila ang bituin? (sila ay napuno ng kagalakan) Bakit sa tingin mo ay napuno sila ng kagalakan? Bago pa nila nakita ang bituin, marahil ang kanilang mga puso ay puno ng lungkot. Marahil ay pinanghinaan sila ng loob. Sila ay nasa mahabang paglalakbay sa paghahanap at nang dumating sila sa Jerusalem, kung saan inaasahan nila makikita si Jesus, wala Siya roon. Kaya, nang makita ng mga matatalinong tao ang bituing sinusundan nila na nagpakita muli, talagang labis na napuno sila ng kagalakan!

Minsan ay mga araw na tayo ay panghihinaan ng loob sa atin paglalakbay, ngunit marami tayong dahilan para mapuno ng kagalakan. Maglaan tayo ng panahon para ibahagi ang kagalakang iyon sa mga nakapaligid sa atin!

Tungkol sa Gabay na ito

121 Advent

Ang kapanganakan ni Cristo, ang Kanyang adbiyento, ay tanda ng sukdulang plano ng Diyos para sa ating katubusan. Kay Cristo, makikita natin ang pinakabuong larawan ng pag-asa, kapayapaan, kagalakan at pag-ibig ng Diyos. Ang Salita ng Diyos ay ang katotohanan kung saan alam natin at lumalakad tayong kasama Siya araw-araw. Inaasahan namin na ang gabay na ito ay maghihikayat at makakatulong sa personal na oras na paggugol sa Salita at magbigay ng isang kasangakapan para sa mga pamilya na may mga anak na gawin iyon nang sama-sama.

More

Nais naming pasalamatan ang 121 Community Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: http://121cc.com/