121 AdbiyentoHalimbawa

Adbiyento
Ang salitang “adbiyento” ay nag-ugat mula sa salitang Latin na ang ibig sabihin ay, “pagdatal”. Ang adbiyento ay isang panahon ng paghihintay nang may pag-aasam at paghahanda para sa pagdating ni Cristo. Sa panig na ito ng buhay, kamatayan, at muling pagkabuhay ni Cristo, maari tayong magdiwang sa panahong ito ng adbiyento sa dalawang magkaibang mga paraan. Babalikan natin at kikilalanin ang mga naghintay at nagnais sa pagdating ng Mesias na inihula sa kanila. Ginagawa natin ito mula sa pananaw kasama ang pagkaalam na ang Diyos, sa Kanyang katapatan, ay ibinigay ang Mesias na iyon na si Jesus, katulad ng inhula ng Kasulatan. Tayo rin ay tumitingin sa hinaharap, na may pag-asa at pananabik sa ikalawang pagdating ni Cristo.
Ang adbiyento ay hindi isang utos sa Biblia, kundi isang tradisyon na iniluhog sa tradisyong Cristiano upang itakda ang ating isipan at puso sa pagdating ni Cristo. Dalangin namin na sa mga linggo patungo sa araw na kung saan ay ipinagdiriwang natin ang kapanganakan ni Cristo, ikaw at ang iyong pamilya ay sama-samang maglalaan ng oras na pagnilayan ang Salita ng Diyos at sambahin ang Anak at ang Kanyang adbiyento, na nagbigay sa atin ng kaligtasan at katubusan. Sa loob ng mga susunod na linggo, titingnan natin nang malapitan ang mga implikasyon ng adbiyento, na inilaan ni Cristo, sa Kanya mismo, pag-asa, kapayapaan, kagalakan at pag-ibig. Nararanasan natin ang sulyap ng mga bagay na ito sa lupa, habang sa huli ay nasumpungan nila ang pinagmumulan kay Cristo. Siya ang Pag-asa ng Mundo, ang Prinsipe ng Kapayapaan, ang Kapuspusan ng Kagalakan at ang Nagmamahal ng ating Kaluluwa.
Mga Mag-anak na May Maliliit na Anak
Ang Pasko marahil ay ang pinakahihintay na panahon ng lahat ng mga bata, kaya nauunawaan nila ang kaisipan ng paghihintay na may pag-aasam nang mabuti. MGA BATA, Narinig ninyo na ba ang katagang "adbiyento"? Ito ay nangangahulugan ng pagdatal! Maiisip ninyo ba ang anumang bagay na paparating? (Pasko) Nasasabik ba kayo na malapit na ang Pasko? Ano ang pinakapinananabikan mo? May karaniwan ba tayong ginagawa bilang isang pamilya para maghanda sa Pasko? (talakayin ang mga tradisyon ng pamilya na ginagawa ninyo nang mas maaga para tumulong sa paghahanda sa Pasko) Ano ang ilang mga bagong ideya na mayroon ka para sa mga paraan na maaari kayong maghanda para sa Pasko? (hayaan ang mga bata na magbigay ng mga ideya)
Basahin ang Isaias 9:2-7.MGA BATA, Sino ang sinasabi ng mga talatang ito na darating? (Jesus) Bakit ipinagdiriwang natin ang Pasko? (kapanganakan ni Jesus) Marami ang matagal nang sabik na naghintay kay Jesus, ang Mesias, na dumating. Tayo ay naghihintay din sa muling pagbabalik ni Jesus balang araw.
Basahin ang Mateo 24:30-31. MGA BATA, Paano inilalarawan ng mga talatang ito ang pagbabalik nang muli ni Jesus? (nasa alapaap, may kapangyarihan, dakilang kaluwalhatian, tumutunog na mga trumpeta, nagtitipon na mga anghel) Mukha bang dapat tayong tumingin sa hinaharap sa pag-aasam sa ikalawang pagdating ni Jesus?
Tungkol sa Gabay na ito

Ang kapanganakan ni Cristo, ang Kanyang adbiyento, ay tanda ng sukdulang plano ng Diyos para sa ating katubusan. Kay Cristo, makikita natin ang pinakabuong larawan ng pag-asa, kapayapaan, kagalakan at pag-ibig ng Diyos. Ang Salita ng Diyos ay ang katotohanan kung saan alam natin at lumalakad tayong kasama Siya araw-araw. Inaasahan namin na ang gabay na ito ay maghihikayat at makakatulong sa personal na oras na paggugol sa Salita at magbigay ng isang kasangakapan para sa mga pamilya na may mga anak na gawin iyon nang sama-sama.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Ang Kabutihan Ng Panginoon Sa Psalm 103

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan

Nagsasalita Siya Sa Atin

Dayuhan Tayo Sa Mundo

God Is With You

Buhay Si Jesus!

Series Name Ang Bible: Love Letter Ni Lord

The Cross | Ang Krus at ang Kahulugan Nito sa Naliligaw na Sangkatauhan

Mag One-on-One with God
