Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

121 AdbiyentoHalimbawa

121 Advent

ARAW 17 NG 24

Paano Natin Maipapamuhay ang Kagalakan nang Personal?

Nang si Jesus ay ipinanganak sa mundong ito, mayroon itong malaking kahulugan. Hindi lamang Siya pumarito upang palayain ang mga bihag (Lukas 4:18), Siya rin ay naparito upang bigyan ang Kanyang mga taga-sunod ng isang bagong pagkakakilanlan (2 Mga Taga-Corinto 5:17). Napagpasiyahan mo na bang ilagak ang iyong pananampalataya at tiwala kay Jesu-Cristo? Kung ganoon nga, ang iyong buong pagkakakilanlan ay nabago!

Ang pag-ibig ni Cristo ay nag-uudyok sa atin na mamuhay para sa Kanya at hangarin na luwalhatiin ang Diyos sa lahat ng ating ginagawa sa halip na piliting luwalhatiin ang ating mga sarili. Ito ay isang mahabang proseso, ang pagpapatuloy na matutunan kung paano mamuhay para kay Jesus sa halip na mamuhay para sa ating mga sarili.

Sa ganang akin, ipinapamuhay natin ang kagalakan sa ating buhay sa pamamagitan ng paggugol ng oras kasama ang Diyos sa pamamagitan ng panalangin, pagbabasa ng Biblia, at pagtitiwala na ang Banal na Espiritu ang mangunguna sa atin sa pagsisisi, mula sa ating mga lumang gawi at sa panibagong buhay kay Cristo, ang Diyos ang papatnubay sa atin sa kung ano ang kahulugan ng pagkakaroon ng isang bagong pagkakakilanlan at magalak sa proseso.

Ang Ebanghelyo ang maghahatid sa ating pagkakakilanlan. Habang tayo ay umuusad at nagpapatuloy na makita nang higit kung gaano tayo kamakasalanan, makikita nating kung gaano talaga kabanal ang Diyos. Kung ano ang ginawa ni Jesus sa krus ay naging mas mahalaga para sa atin at ang krus ay nagiging mas malaki para sa atin bawat araw. Mas napapagtanto natin na wala tayong magagawa para sa ating kaligtasan at ang lahat ng bagay ay ginawa para sa atin sa pamamagitan ni Jesus, mas lalo nating maipamumuhay ang kagalakan sa ating pagkakakilanlan bilang isang taga-sunod ni Cristo.

Mga Pamilya Na May Maliliit na Anak

MGA BATA, Sa palagay ninyo, paano natin maipapamuhay ang kagalakan? Basahin ang Mga Awit 16:11 at Mga Awit 126:3. MGA BATA, Ano ang sinasabi ng talatang ito tungkol sa kagalakan? Kapag ginugol natin ang ating oras kasama ang Diyos sa pamamagitan ng panalangin, o sa pagbabasa ng ating mga Biblia, ipinapakita Niya sa atin ang paraan upang mamuhay at pinupuno Niya tayo ng kagalakan. Ano ang ipinapaalala sa atin ng mga Awit 126:3? (na ang Diyos ay gumawa ng mga dakilang bagay para sa atin) Kapag ipinamuhay natin ang ating buhay na inaalala ito at sinasabi natin sa iba ang lahat ng mga dakilang bagay na ginawa ng Diyos sa ating buhay, ipinamumuhay natin ang kagalakan na nagmumula sa Panginoon.

Basahin ang Lucas 2: 8-19. MGA BATA, Ano ang sinabi ng anghel ng Panginoon sa mga pastol sa bukid? (magandang balita ng malaking kagalakan para sa lahat, isang Tagapagligtas, na si Cristo ang Panginoon ay ipinanganak) Ano ang nangyari matapos ang anghel ay nangusap sa mga pastol? (isang malaking hukbo ng mga anghel ang nagsimulang magpuri sa Diyos) Ano ang tugon ng pastol? (pumunta sila upang makita sa kanilang sarili ang balita na ipinaalam sa kanila ng Panginoon)Paano tumugon ang mga pastol nang matagpuan nila si Jesus? (niluwalhati at pinuri nila ang Diyos para sa lahat ng nakita nila at narinig)

MGA BATA, Tayo ay patuloy na naghihintay upang ang Pasko ay dumating dito—katulad ng bayan ng Diyos na naghihintay ng Tagapagligtas. Subalit naghintay sila ng daan-daang taon! Kaya, nang matanggap ng mga pastol ang magandang balita na ang Tagapagligtas ay dumating na sa wakas, hindi maaaring itago nila ang magandang balitang iyon sa kanilang sarili. Ang Tagapagligtas ay narito, at narito Siya upang iligtas ang mga tao! Sila ay puno ng kagalakan dahil nalaman nila na ang mga salita ng mga anghel ay totoo at sila ay sumigaw ng papuri dahil ipinadala ng Diyos si Jesus, ang Tagapagligtas! At katulad din ng mga pastol, maaari tayong magkaroon ng kagalakan dahil alam natin na ang Salita ng Diyos ay totoo. Maaari tayong magdiwang na ipinadala Niya si Jesus at maaari nating ipamuhay ang kagalakan sa pamamagitan ng pagpupuri at pagluwalhati sa Diyos!

?

Tungkol sa Gabay na ito

121 Advent

Ang kapanganakan ni Cristo, ang Kanyang adbiyento, ay tanda ng sukdulang plano ng Diyos para sa ating katubusan. Kay Cristo, makikita natin ang pinakabuong larawan ng pag-asa, kapayapaan, kagalakan at pag-ibig ng Diyos. Ang Salita ng Diyos ay ang katotohanan kung saan alam natin at lumalakad tayong kasama Siya araw-araw. Inaasahan namin na ang gabay na ito ay maghihikayat at makakatulong sa personal na oras na paggugol sa Salita at magbigay ng isang kasangakapan para sa mga pamilya na may mga anak na gawin iyon nang sama-sama.

More

Nais naming pasalamatan ang 121 Community Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: http://121cc.com/