Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

121 AdbiyentoHalimbawa

121 Advent

ARAW 23 NG 24

Paano Natin Ito Isasabuhay?

Ang ating kakayahang magmahal ay ganap at lubos na nakadepende sa biyaya ng Diyos, na sa kabutihang palad para sa atin, ay hindi nagbabago at mas malaki kaysa sa kakayahan o pang-unawa ng tao.Dapat tayong mag-ingat na huwag tukuyin ang pag-ibig lamang sa ating kakayahang pumili nito o magpasya nito, habang ito ay isang mahalagang aspeto para sa atin, bilang mga mananampalataya, upang mamuhay ng isang buhay sa pag-ibig. Gayunpaman, ito ay, sa katunayan, ang pag-ibig sa ating kakayahan, ito ay hindi pag-ibig sa tunay nitong kaanyuan. Kaya kailangan muna nating umasa sa biyaya ng Diyos, kailangan nating mahalin ang Diyos sa pamamagitan ng ating pananampalataya at pagtitiwala sa Kanya. At manatiling nakatahan sa Kanyang pag-ibig araw-araw, upang hindi ito makalimutan o malinlang ng mga sumasalungat nito.

Sinabi sa atin ni Jesus na pagkatapos natin maranasan and Kanyang pag-ibig, dapat nating mahalin ang iba. Bilang mga mananampalataya, ang pag-ibig na ito ay nagbubuklod sa atin, ang Kanyang simbahan, habang pinalalakas natin ang loob ng isa't isa sa pag-ibig at mabubuting gawa (Hebreo 10:23-25). Sa mga malayo sa Diyos, ang ating pagmamahal sa isa't isa ay nagmamarka sa atin at nagbubukod sa atin (Juan 13:34-35). Ipinakita ng Diyos ang Kanyang pagmamahal sa mundo sa pamamagitan natin, mahalin natin ang iba gaya ng pagmamahal Niya sa atin. Hindi nakakagulat na ito ang itinawag sa atin ni Cristo, dahil sa malaking pagkakaiba sa pagitan ng Kanyang pag-ibig, walang pag-uudyok sa sarili at mga pagnanasa, at ang pag-ibig na alam ng mundo, na kadalasan ay isang panandaliang damdamin na pinagpapatuloy ng pagnanais na mamahalin din bilang kapalit.

"Ang pag-ibig ng Diyos ay hindi ang paggawa ng malaki sa atin ng Diyos, ngunit ang pagliligtas sa atin ng Diyos mula sa pagiging makasarili upang masiyahan tayo sa paggawa ng marami sa Kanya magpakailanman. At ang pagmamahal natin sa iba ay hindi malaki ang nagagawas sa kanila, kundi ang pagtulong sa kanila na makahanap ng kasiyahan sa paggawa ng marami sa Diyos.Ang tunay na pag-ibig ay naglalayong bigyang-kasiyahan ang mga tao sa kaluwalhatian ng Diyos. Anumang pag-ibig na magwawakas sa tao ay tuluyang mapanira. Hindi nito inaakay ang mga tao sa tanging walang hanggang kagalakan, samakatuwid nga, ang Diyos. Ang pag-ibig ay dapat na nakasentro sa Diyos, o hindi ito tunay na pag-ibig; iniiwan nito ang mga tao na wala sa kanilang huling pag-asa ng kagalakan.” John Piper

Paano natin maipamimigay ang pag-ibig ni Cristo? Paano natin ito maipapakita sa iba?

Mga Pamilyang May Maliliit na Bata

Basahin ang Lucas 15:11-31. MGA BATA, Ang pag-ibig ng Diyos ay ibang-iba sa ating pag-ibig. Hindi tayo palaging nakadarama ng pagmamahal o nagpapahayag ng pagmamahal sa iba. Lagi tayong mahal ng Diyos, walang pasubali! Sa kuwento sa Biblia, bakit umuwi ang batang anak na lalake? (naubos na niya ang lahat ng kanyang pera at naisip niyang makapagtrabaho siya para sa kanyang ama) Inakala ba ng batang anak na patatawarin siya ng kanyang ama? (hindi) Ano ang ginawa ng kanyang ama? (tinanggap siya sa kanyang bahay at ipinaghanda ng salo-salo) Bakit tinanggap ng ama ang kanyang batang anak na lalake? (minahal siya, tulad ng pagmamahal ng Diyos sa atin

Magbigay ng mga paraan kung paano mo ipinapakita ang pag-ibig ni Cristo sa iba? Dalawang araw na lang ang Pasko at ipinakita sa atin ng Diyos ang Kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng pagbibigay sa atin ng pinakamagandang regalo sa lahat. Ano ang regalong iyon? (Si Jesus)

Manalangin at hilingin sa Diyos na ipakita sa iyo kung paano magmahal sa iba. Ipanalangin ang mga kailangang makaramdam ng pagmamahal. Salamat sa Diyos na si Jesus ang dahilan ng kapaskuhan na ito. Salamat sa Diyos sa pagbibigay sa iyo ng pamilyang mamahalin at nagmamahal sa iyo.

Tungkol sa Gabay na ito

121 Advent

Ang kapanganakan ni Cristo, ang Kanyang adbiyento, ay tanda ng sukdulang plano ng Diyos para sa ating katubusan. Kay Cristo, makikita natin ang pinakabuong larawan ng pag-asa, kapayapaan, kagalakan at pag-ibig ng Diyos. Ang Salita ng Diyos ay ang katotohanan kung saan alam natin at lumalakad tayong kasama Siya araw-araw. Inaasahan namin na ang gabay na ito ay maghihikayat at makakatulong sa personal na oras na paggugol sa Salita at magbigay ng isang kasangakapan para sa mga pamilya na may mga anak na gawin iyon nang sama-sama.

More

Nais naming pasalamatan ang 121 Community Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: http://121cc.com/