Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

121 AdbiyentoHalimbawa

121 Advent

ARAW 16 NG 24

Ang Pinagmumulan ng Kagalakan

Nang ipinanganak si Jesus sa mundong ito, hindi lamang Siya nagbigay ng isang daan sa Diyos Ama, naging huwaran din Siya ng kagalakan para sa atin mula pa sa unang araw, ginagawa ang lahat ayon sa kalooban ng Kanyang Ama (Lucas 10:21).

  • Siya ay nagalak sa Kanyang relasyon sa Kanyang Ama.
  • Siya ay nagalak sa paglilingkod sa iba habang Siya ay nagpapagaling at naglalaan para sa kanila.
  • Siya ay nagalak sa pagpapasa ng kagalakan sa mga anak ng Diyos.
  • Siya ay nagalak habang tinitiis Niya ang krus (Mga Hebreo 12:2).

Dito nagmumula ang kagalakan. Dito ay kung kanino nagmumula ang kagalakan. Nagbigay si Jesus ng perpektong huwaran para sa atin upang maunawaan kung paano makikita at maipapahayag ang tunay na kagalakan, sa ating relasyon sa Kanya at sa ating mga relasyon sa iba. Wala nang mas malapit pa sa pagtukoy kung ano ang kagalakan para sa atin gaya ng makikita natin kay Jesus.

Kung nauunawaan natin na pinatawad ni Jesus ang lahat ng ating nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap na kasalanan sa pamamagitan ng pagkamatay sa krus para sa atin, pagbabayad ng kaparusahan sa galit ng Kanyang Ama, at pagkatapos ang pagkabuhay na muli mula sa mga patay, paano natin hindi matatagpuan ang kagalakan sa pamamagitan Niya? Bilang Simbahan, dapat nating makita ang kagalakan sa lahat ng mga kalagayan dahil Siya ang nagbibigay ng kagalakan sa atin.

Mga Pamilya Na May Maliliit na Anak

Basahin ang Mga Hebreo 12:1-2. MGA BATA, Maaari tayong tumingin kay Jesus upang makita ang larawan kung ano ang anyo ng pagkakaroon ng kagalakan sa lahat ng kalagayan. Binayaran Niya ang halaga ng ating kasalanan. Siya ay namatay sa krus upang mapatawad ang ating nakaraan, kasalukuyan at hinaharap na kasalanan. At, ginawa Niya ito dahil sa kagalakan na parating. Kung magagawa Niya iyon, paanong hindi natin mahahanap ang kagalakan sa Kanya?

Basahin ang Mga Taga-Galacia 5:22-23. MGA BATA, ipinahayag ng anghel ang kapanganakan ni Jesus bilang, "magandang balita ng labis na kagalakan para sa lahat ng tao… isang Tagapagligtas ang ipinanganak!” At, pagkatapos tayong maniwala at magtiwala kay Jesu-Cristo bilang ating Tagapagligtas, ibinigay Niya ang Banal na Espiritu, na nananahan sa atin. Kung sinasabi sa atin ng Mga Taga-Galacia 5:22-23 na ang kagalakan ay bunga ng espiritu, at mayroon tayong Banal na Espiritu sa atin, ano ang sinasabi nito sa atin tungkol sa kagalakan? Maaari tayong magkaroon ng kagalakan anuman ang mangyari dahil mayroon tayong Banal na Espiritu!

Maglaan ng ilang panahon sa panalangin bilang isang pamilya na pinasasalamatan ang Diyos. Pasalamatan Siya sa pagpapadala kay Jesus bilang ating Tagapagligtas. Pasalamatan Siya para sa halimbawa ni Jesus sa pagkakaroon ng kagalakan sa lahat ng mga kalagayan.

Tungkol sa Gabay na ito

121 Advent

Ang kapanganakan ni Cristo, ang Kanyang adbiyento, ay tanda ng sukdulang plano ng Diyos para sa ating katubusan. Kay Cristo, makikita natin ang pinakabuong larawan ng pag-asa, kapayapaan, kagalakan at pag-ibig ng Diyos. Ang Salita ng Diyos ay ang katotohanan kung saan alam natin at lumalakad tayong kasama Siya araw-araw. Inaasahan namin na ang gabay na ito ay maghihikayat at makakatulong sa personal na oras na paggugol sa Salita at magbigay ng isang kasangakapan para sa mga pamilya na may mga anak na gawin iyon nang sama-sama.

More

Nais naming pasalamatan ang 121 Community Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: http://121cc.com/