Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

121 AdbiyentoHalimbawa

121 Advent

ARAW 20 NG 24

Pangungutya: Isang Balakid Sa Kagalakan

Bagamat ang kagalakan ay isang kamangha-manghang bagay na nagpapahayag ng ating pagtitiwala sa Panginoon, minsan ang ating kagalakan ay nahahadlangan ng pangungutya. Kung hindi tayo gumugugol ng oras sa Diyos araw-araw sa pamamagitan ng panalangin, pagbabasa ng Biblia, o pagmiministeryo sa iba, nahuhuli tayo sa ating sariling mundo at ang sarili lamang ang hinahanap. Kapag may masamang nangyari sa atin, mabilis tayong makakahanap ng paraan para magreklamo tungkol dito at sa paglipas ng panahon tayo ay nagiging mapangutya.

Pag-isipan ito, kapag kasama ang isang tao na masayahin, maaari silang makaapekto sa iyo at literal na mababago ang iyong araw. Ganoon din, kapag kasama ang isang tao na negatibo, mayroon din silang parehong epekto at pababagsakin ang iyong saloobin sa buong araw. Nakakabaliw isipin kung gaano kalaki ang epekto natin sa iba’.

Bilang taga-sunod ni Jesus, may sapat na dahilan tayo upang magalak. Kung tayo ay nagiging mapangutya sa anumang oras, hindi tayo nagtitiwala sa Kanya at nakalimutan ang ating unang pag-ibig. Mahikayat na magpatuloy sa pagpapalalim ng iyong relasyon Kay Cristo o marahil, upang bumalik sa iyong unang pag-ibig, kung saan ikaw ay masisiyahan nang may kagalakan.

Mga Mag-anak na May Maliliit na Anak

Basahin ang 1 Pedro 1:8-9. MGA BATA, Ano ang sinasabi ng talatang ito na puno tayo? (isang maluwalhating kagalakan)

Ano ang dahilan para sa maluwalhating kagalakan na iyon? Sa mga talatang ito nabasa natin na magkakaroon tayo ng kagalakan sa isang Tagapagligtas na hindi pa natin nakikita. Kahit na hindi natin nakikita si Jesus, naniniwala tayo na Siya ay dumating at namatay para sa bawat isa sa atin, kaya mayroon tayong kagalakan! Bakit? Dahil iniligtas tayo ni Jesus. Mayroon tayong pag-asa. Mayroon tayong hinaharap. Mayroon tayong dahilan para magalak! Kahit na sa kakila-kilabot, napakasama, hindi magandang araw, mayroon pa rin tayong dahilan para sa kagalakan! Ang masasamang araw ay hindi mag-aalis ng regalo ni Jesus, kaya huwag din nating hayaang nakawin nila ang ating kagalakan.

Maglaan ng ilang oras bilang isang pamilya na gumawa ng listahan ng lahat ng mga dahilan upang magalak. Isabit ang listahang iyon kung saan makikita ninyo at mapapaalalahanan sa kagalakan na mayroon tayo kay Cristo sa Paskong ito.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

121 Advent

Ang kapanganakan ni Cristo, ang Kanyang adbiyento, ay tanda ng sukdulang plano ng Diyos para sa ating katubusan. Kay Cristo, makikita natin ang pinakabuong larawan ng pag-asa, kapayapaan, kagalakan at pag-ibig ng Diyos. Ang Salita ng Diyos ay ang katotohanan kung saan alam natin at lumalakad tayong kasama Siya araw-araw. Inaasahan namin na ang gabay na ito ay maghihikayat at makakatulong sa personal na oras na paggugol sa Salita at magbigay ng isang kasangakapan para sa mga pamilya na may mga anak na gawin iyon nang sama-sama.

More

Nais naming pasalamatan ang 121 Community Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: http://121cc.com/